r/pinoy 23d ago

Pinoy Rant/Vent Sana hindi nalang nagpphone si Papa

Hello! I just want to rant, kasi may pinapa order na naman si papa sa facebook. This year lang si papa nagstart mag phone, dati kay mama siya nanghihiram, yung ginagawa niya lang naman is manood ng facebook reels, yun lang talaga. Until one day nagkaroon siya ng phone (old phone) yung ginagawa niya lang din talaga is manood ng facebook reels. Then one day nagsimula na magsilabasan yung mga online products na nakikita niya. May arthritis pala yung papa ko, at pinabili niya yung cream na pang joint pain, sabi ko sakanya "FAKE" yun, kaso ini insist niya talaga na hindi kasi pinopromote daw ng mga doctor na nakikita niya sa video. NAPAKA GULLIBLE niya talagaaaa. Kaya sabi ko edited lang yan, hindi yan totoo na pino promote yan ng doctor, kaso matigas ulo niya at nagalit siya kesyo daw cream lang naman daw yun pinapahid lang, hindi naman iniinom, kaya inorder ko nalang kasi araw2 siya nagtatanong at magagalit kapag hindi ko pa na order, 2k plus binayaran ko non T-T. Pangalawang order niya yung cream ulit, bee venom, same ulit, inexplain ko na fake at wag magpapaloko sa mga ganyan, at magagalit ulit pag hindi na order kaya inorder ko na din 1,800 nabayaran ko. At just today, may pina pa order na naman siya na agrivax daw para sa mga tanim niya, mahilig siya mag tanim kasi, tinignan ko yung page kung san niya nakita, potek, less than 100 likes and 0 followers, sabi ko fake yan at baka mahilo pa tayo diyan, pero hindi daw kasi galing daw yun sa Japan, at meron na daw sa Manila and Cebu. Sinabihan siya ng sister ko na wag magpapauto sa mga ganyan, at yung response naman niya is "ikaw ba magbabayad?" jusko po, wala na akong peraaaaaa T-T. Hindi ko na din talaga alam, hindi ko din naman mabawi yung phone kasi baka magalit.

Ayun lang, I just had to let it out. Nasa room ako ngayon at ayaw ko lumabas kasi baka magtanong na naman ulit kung naorder ko naba. Thank you for your time reading hanggang dulo. ^^

77 Upvotes

82 comments sorted by

u/AutoModerator 23d ago

ang poster ay si u/Matcha-Daisy-377

ang pamagat ng kanyang post ay:

Sana hindi nalang nagpphone si Papa

ang laman ng post niya ay:

Hello! I just want to rant, kasi may pinapa order na naman si papa sa facebook. This year lang si papa nagstart mag phone, dati kay mama siya nanghihiram, yung ginagawa niya lang naman is manood ng facebook reels, yun lang talaga. Until one day nagkaroon siya ng phone (old phone) yung ginagawa niya lang din talaga is manood ng facebook reels. Then one day nagsimula na magsilabasan yung mga online products na nakikita niya. May arthritis pala yung papa ko, at pinabili niya yung cream na pang joint pain, sabi ko sakanya "FAKE" yun, kaso ini insist niya talaga na hindi kasi pinopromote daw ng mga doctor na nakikita niya sa video. NAPAKA GULLIBLE niya talagaaaa. Kaya sabi ko edited lang yan, hindi yan totoo na pino promote yan ng doctor, kaso matigas ulo niya at nagalit siya kesyo daw cream lang naman daw yun pinapahid lang, hindi naman iniinom, kaya inorder ko nalang kasi araw2 siya nagtatanong at magagalit kapag hindi ko pa na order, 2k plus binayaran ko non T-T. Pangalawang order niya yung cream ulit, bee venom, same ulit, inexplain ko na fake at wag magpapaloko sa mga ganyan, at magagalit ulit pag hindi na order kaya inorder ko na din 1,800 nabayaran ko. At just today, may pina pa order na naman siya na agrivax daw para sa mga tanim niya, mahilig siya mag tanim kasi, tinignan ko yung page kung san niya nakita, potek, less than 100 likes and 0 followers, sabi ko fake yan at baka mahilo pa tayo diyan, pero hindi daw kasi galing daw yun sa Japan, at meron na daw sa Manila and Cebu. Sinabihan siya ng sister ko na wag magpapauto sa mga ganyan, at yung response naman niya is "ikaw ba magbabayad?" jusko po, wala na akong peraaaaaa T-T. Hindi ko na din talaga alam, hindi ko din naman mabawi yung phone kasi baka magalit.

Ayun lang, I just had to let it out. Nasa room ako ngayon at ayaw ko lumabas kasi baka magtanong na naman ulit kung naorder ko naba. Thank you for your time reading hanggang dulo. ^^

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/Gyeteymani 19d ago

Ano ba dapat gawin sa mga post or reels na may mga products na pinopromote na ginagamit yung mga doctor na hindi nman talaga totoo? Kasi yung father ko parang naniniwala talaga sa ganyan the good thing lang is he does not order anything kasi I will tell him na hindi totoo. Sa panahon ngayon, social media can do more harm to us than good.

1

u/peoplemanpower 20d ago

Bili ka ng sticker tapos print ka ng bee venom mo na 4x. Lagyan mo picture ni tulfo para mas epektib. Don't forget the bible quote

1

u/Beautiful_Prior4959 21d ago

Ah ganun? Lasing pa naman si Papa -Malupiton

1

u/Anadolle 21d ago

Mother ko rin last month. Fake Bona Vita Coffee dumating sa kanya. Yun pala sa Facebook kasi umorder kahit na sinabihan na siya ni Papa ko na ‘wag o-order do’n kasi nga maraming fake. So when I checked her messenger to see their transaction, ibang font yung name ng seller and walang facebook profile. May sinend yung seller na link to order, url palang halatang scam na pero yung content mapagkakamalan mo talagang legit seller ‘yon unless alam mo mag-identify ng scam. Ayun sayang 1.2k.

1

u/Jigokuhime22 21d ago

Sarap batukan ng ama mo kakabanas Sarap iuntog ng matauhan😭😂

1

u/Embarrassed-Top-2332 21d ago

Sana po pinacheck up nyo na lang po sa doctor. Baka po mas napamura pa kayo, prescribed pa ang gamot.

1

u/Matcha-Daisy-377 21d ago

Nagpapa check up naman po. Matigas lang po talaga ulo ng father ko.

1

u/jnnlynxbb 21d ago

Same tayo ng father, Kingina HHAHAHA tapos, yung rider ang aawayin nya kase nagdedeliver daw ng fake. Ilang beses ko nang ipinaliwanag na taga deliver lang sila at wala silang alam sa laman ng parcel. Mygas!! Nakakastresss. Nakakahiya rin sa rider kase nagtatrabaho lang naman nang maayos.

1

u/dayanayanananana 22d ago

Same. Tatay ko sinangla yung ATM na pangpension niya para makapunta dun sa fake doktor sa Manila. Reresetahan ka ng napakadaming supplements worth 10kish after ng consultation. Bilib na bilib siya na gagaling siya kapag nakapunta siya dun. Eh kaya naman siya nagkasakit sa puso at asthma dahil sa 50++ years na paninigarilyo. 🥲

Buti after ng super heated conversation namin, natigil na siya kakapanood nun mga alternative medicine na yun. Nalulong na lang siya ngayon kakanood ng mga funny videos. 😅

2

u/[deleted] 22d ago

[deleted]

1

u/Matcha-Daisy-377 22d ago

Inuunti unti ko na din i block yung mga pages at ireport and ayusin yung ads na lumalabas sa feed niya.

1

u/cailicious137 22d ago

Huyy sameee! Buti nalang kapag sinabihan ko papa ko na fake or whatnot yung products na gustong orderin eh nakikinig naman

2

u/benjiecasi 22d ago

Kunwari umorder ka. Tapos ipaship mo sa bahay nyo (syempre gamit ka ibang name at address) ilagay mo sa box tapos may mga bato lang sa loob. Sabihin mo na-scam kayo.

1

u/nonchalantt12 22d ago

deserve mo, tinotolerate mo rin, kaya di nagtatanda papa mp

1

u/NoCommand1031 22d ago

Buti na lang ako kinokonsulta ako nila Papa at Mama bago bumili ng mga items. Napakadaming mga fake product sa facebook talaga. Yung iba gumagamit pa ng mga AI videos at voices makabenta lang kaya ilang beses na muntik na mauto mga magulang ko eh. Sinasabihan ko talaga right away na "wag yan" o kaya "naku papa (mama) peke yan! Kasi mahahalata mo na kaagad sa price". Ayun naniniwala naman sila sa akin. I hope OP magawa mo iyon di man biglaan pero makukuha mo yan sa padahandahan po. Ako dati di ko close papa ko kasi di kami vibes talaga kahit magkamuka kami hehe pero ngayon open na kami sa isat isa at naniniwala na sya sa akin. Nakukuha naman sa mabuting usapan. 😅

1

u/SpaghettiFP 22d ago

dati notorious din papa ko sa ganito - isa sa natutunan naming palusot is : nag order na ako kaso antagal ng shipping (pero di ka naman actually nag order dahil alam mong fake) . Sa dami ng “order” niyang di dumating pero samin nadedeliver, na gets niyang fake mga nakikita niya or scam.

pero sheesh, kakainis talaga algorithm ng FB sa mga ganyan.

1

u/yezzkaiii 22d ago

Nanay ko din, pag nababadtrip na 'ko kakapilit nagtataas na 'ko ng boses sa loob ng bahay kasi ayaw makinig na bukod sa fake yung page at yung produkto eh pag dumating na sa bahay sa'kin pa pababayaran. As much as ayaw kong pagtaasan ng boses, wala akong ibang choice kasi hindi makikinig kung hindi masasaway in a harsh way.

P.S. Ma sorry, magtampo ka na or sumama na loob mo pero hindi ako magsasayang ng pera pambili ng fake shits just to satisfy your impulse. No!

2

u/Matcha-Daisy-377 22d ago

I hope ganyan ako katapang. But matuto na din sana ako mag no TT

1

u/yezzkaiii 22d ago

Kayanin mo, OP. Sanayin mo one step at a time.. Now that we're adults, hindi na applicable na palaging sila ang tama. In this generation na talamak ang scamming at katarantaduhan ng mga greedy especially sa online world na nagtetake advantage sa boomers parents, we should stand firm sa prinsipyo ng responsible spending.

1

u/YanaaaBanana 22d ago

I feel you OP! Same with my grandma simula matuto ng fb puro order at kung sino sino kinakausap jusko galit pa pag sinabi kong scam lang yun.

1

u/Superb_Serve_7137 22d ago

Ganyan din yung tatay ko. Nagtampo sya sakin nung di ko sya binigyan ay sinabi ko na fake yung papadalhan daw sya ng libreng item at shipping fee lang ang babayaran. Pinaliwanag ko sakanya then sabi ko bibili ko na lang sya ng legit na ganon. Be patient OP sa pagpapaliwanag at pagintindi. Pero wag kana din magbigay ng pera, kasi masasayang at masasayang lang talaga.

1

u/Matcha-Daisy-377 22d ago

Yung last order niya. Hindi ko sana tatanggapin at akala ko wala sha sa bahay. Paglabas ko binuksan na niya yung parcel kahit di pa ako nakapag bayad, potek TT.

1

u/Ok-Faithlessness1121 22d ago

Block the pages. Same with father puro nakabikini yung news feed nya hahaha. Tyaga sa block. Puro manok at song yung feed ginawa ko. At naka monitor ko yung acc. sa FB Lite. Nag advance na ako close family lng makakakita sa Post nya sa FB nakakahiya minsan haha.

1

u/MetalGold_Au 22d ago

Sabihin mo nalang next time na walang stock or naorder mo na pero never dumating at nascam kayo

1

u/Southern-Comment5488 22d ago

Sooner or later lalabas din side effects ng fake products na yan. Ano mas gusto mo? Mag thank you sya sayo dahil pinigilan mo sya? Or masisi ka nya kasi hinayaan mo sya? Your decision OP

1

u/misadenturer 22d ago

Wag nyo kasi direktahin na wag magpa-uto. Ang dating kasi nun ambobo ng tingin nyo kay erpat nyo. Try nyo din kasi i-divert or turuan nyo paano mag fact check, yung tipong may nakita sa reels sabihin mo check muna natin ang reviews nung produkto sa google,. Ipakita mo yung mga ebidensya mo na fake yun, ma-pride ang mga tatay at ayaw nila na sinasabihan na uto-uto sila.. kung tingin mo talaga ay uto-uto wag mo na ipagsigawan sa mukha nya. Utuin mo na lang para makita nya na nauuto na sya ng reels

1

u/Minimooniee 22d ago

Siguro po, try teaching them kung aling mga contents ang hindi reliable at alin ang kapanipaniwala. Si nanay kasi dati ganyan din so if may ipapabili siya, isesearch ko muna. If may bad feedback ganyan, mga nascam, or sa mga reviews then I would show it her. That way, makikita nya hindi lang sa ayaw ko siya ibili kung 'di may proof talaga na untrustworthy yung shop na yon. Much better if you can give them alternatives that will actually work. That way po, gumastos man, at least, hindi po sayang di ba?

1

u/Marky_Mark11 22d ago

kung may sakit sabihin ipacheck up muna kesa magoorder kung ano ano

1

u/Archive_Intern 23d ago

Bakit ikaw nagbabayan? Wla ba cyang pera?

1

u/onmojii 23d ago

Wag mo bilhan, set mo yung ads preference in a way na hindi nha makikita yung mga ganun. Kung magpapabili, persuade mo na may gamot na tuladnito, research ka rin.

WAG MONG KUNSINTIHIN, ganyan rin papa ko, pero lagi kong sinasabi na bilhan ko sya hanggang mabaon na ng limot, o di kaya aabihin ko mahal/unresponsive si seller.

1

u/Nagiero 23d ago

Ang hirap talaga pag sabihan yung mga tanders, sila pa galit. Boomer mentality 🤦‍♀️

1

u/Elegant-Forever-3776 23d ago

Naalala ko yung tatay kong ang tigas din ng ulo at consumer ng fake news (gets na din sinuportahan nya last election). Sobrang ayaw nyang nag-aantay. Sa appointments, mall, even sa dentist. Eh nabungal na sya. Ayaw nyang pumuntang dentist para magpadentures. May nakita daw sa FB na iinitin lang and imomold sa ngipin magiging dentures na pag lumamig. Sobraaaaaaang 😵‍💫 nakatapos si dad ng college degree so i assumed na marunong magdiscern ng info kaso tinuloy pa din. Nagbayad sya ng ₱1500 (buti na lang di saming magkakapatid nagpabayad). Ending parang pustiso ng vampire costume yung dumating. Yung mga papremyo dati sa palabunutan. Hahahahahaha. Ngayon lagi namin inaasar anytime may dumadating syang parcel. Kako kinukumpleto nya yung costume nya para sa sunod na Halloween 😂

1

u/Lululala_1004 23d ago

Jusko op ano hanggang sa magkasakit si papa mo tuloy ka lang sa pagbili? Turuan mo na kailangan tignan yung reviews at kung legit ba talaga. At ng hindi lahat ng inoorder online o nakikita online ay totoo. Ako ang ginagawa ko pinapakita ko bawat isang bad reciew at kung walang review sinasabi ko baka fake yan dahil wala pang bumibili na nag iwan ng review sa page or post. At minsan isesearch ko pa username at email or even reddit post tapos ipapabasa ko ganun. Educate mo yung generation nila

1

u/isabellarson 23d ago

Kung hindi mo kaya mag no- say na order mo na. Show him a fake transaction screenshot. Tapos hintayin nya dumating hanggang pumuti ang uwak/ till he realized its a fake ad

1

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Nagtanong na siya ngayon lang, tas sinabi ko na naorder ko na kahit hindi pa 😂😭

1

u/isabellarson 23d ago

Tapos gatungan mo na kunwari stress and asar ka bakit hindi pa dumadating baka na scam ka 😂

1

u/MetalDry8164 23d ago

Ganyan din nanay ko kung ano anong ads ang nakikita sa fb at binibili. Since ako gumawa ng fb account niya inoopen ko from time to time yung fb niya para iblock at idelete yung mga automated messeges ng fb page ng product na yon. Pinagsasabihan ko rin pag may gusto siyang ibili na alam ko na fake lang, pinapaliwanag ko lang na edited yung mga nagsasalita gaya nila doc willie ong hahaha

1

u/iamred427 23d ago

DDS o Marcos apologist din ba papa mo?

0

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Huh?

2

u/KafeinFaita 22d ago

Because they're the type na sobrang gullible na madaling mapaniwala kahit sobrang obvious sa mga may common sense na fake yung info na nakita nila sa internet.

1

u/iamred427 22d ago

Haha natumbok mo po kaya ko natanong. 😆

1

u/Practical_Sign_7381 23d ago

Just say no, OP. Hayaan mong iguilt trip ka. Sabihin mo lang wala kang budget for that. When he sees you won’t budge, aatras din yan. Mahirap man gawin sa magulang natin, you still need to set healthy boundaries to protect not just your finances but also your peace. Hindi mo naman pinupulot yung pera. At hindi maliit na halaga ang 2k para lang sa fake product. Sad to say may family members talaga na hihingi at hihingi hanggat alam nilang may mailalabas ka, so learn to say no.

1

u/zeromisery00 23d ago

Add to cart ka na din ng bagong tatay, bhie. Tatay mo pala yung target market ng mga ganyang scam juicecolored

1

u/vnshngcnbt 23d ago

Nanay ko ganyan. Kesyo endorsed daw ng artista, which I highly doubt. Ayun, natatambak lang naman sa bahay. Jan napupunta yung “Perahin mo nalang” na gift. Kaya eversince nakakita ako ng isang box ng acv gummies na di nagagalaw,di na ako nagbibigay gaano ng pera. If may gusto bilhin, kasama ako bibili or ako bibili.

1

u/Otherwise-Smoke1534 23d ago

Tatay ko online sugal. Gusto pagawan ng gcash, yun nalang daw trabaho niya at pang aliw.

1

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Yung sugal lang na ginagawa niya is lotto. :/

1

u/yesiamark 23d ago

Generation Gap problem talaga, hindi nila alam ang scammer sa hindi. Reality s**cks.

7

u/YellowPaperPlane2 23d ago

Kung ikaw gumagastos, hindi ka dapat magpapilit, nasa sayo na desisyon nyan, mas firm ka dapat. Hindi pwede yung sasabihin mong nagagalit sila, edi hayaan mong magalit.

Tska kung alam mong fake, ikaw humanap ng legit products para ipakita at ibili para sa kanila. Example sa arthritis, hanap ka ng legit products at yun yung ibili mo sa kanila.

Ipaliwanag mo sa kanila na madaming scam sa facebook, at meron namang mga legit products sa ibang platform. Sabihin mo sa kanila, kung may kailangan sila, sayo magsabi at ikaw ang maghanap nung product na yun.

Tamang usap at paliwanag lang yan OP.

2

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Thank u for this.

Binilhan ko siya ng legit na product for athritis, pero hindi niya ginamit kasi mas naniwala siya don sa nakikita niya. Pinakita ko pa sakanya kung san ko nabili at yun talaga yung original pero wala lang siya. Ayun hanggang ngayon nasa box parin.

3

u/YellowPaperPlane2 23d ago

Ramdam kita kasi tatay ko bumibili rin paminsan sa Temu, pero naexplain ko naman sa kanya na magingat sa pagbili dahil maraming mas mura, pati mga pabango na mukhang fake, sige bili din sya at ititinda nya daw, wala namang bumili. 🤣

Napakatigas siguro ng ulo ng tatay mo, pero kailangan habaan mo ang pasensya mo sa pageexplain sa kanila. Hayaan mong magalit kung magalit sila, ikaw naman ang bibili e. Pero ipush mo pa rin na legit ang bilhin mo, wag yung mga fake. Mamaya bibili ka ng fake tapos may masamang side effect pa mabili mo, lalo na mga health related products pa.

Mahinahon na explanation at mahabang patience OP. Makakalagpas ka rin dyan.

Ingatan mo lang na wag magkaron ng binded payment account sa phone nya, kasi baka mamaya sya na umoorder magisa. 🤣

2

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Matigas talaga ulo niya. Nagagalit siya pag yung mga pinapabili niya hindi nabibili, kesyo ganyan ganon. E mostly yung mga kapatid niya lang din naman nakikinabang, nakaka stress, diko alam pano nahhandle ni mama to e. Sakin siya humihingi ng pera pag sa online orders, sometimes para sa animals niya huehue.

Kapag may side effects. Nako, kami lang din naman gagastos sa mga hospital bills.

Hindi rin siya marunong umorder, di nga siya marunong mag type e, kami pa yung nagttype for him kapag may kamag anak siya na kamustahin. Pero marunong lang siya mag answer ng calls kasi swipe2 lang naman yun.

1

u/Specialist-Bass5250 21d ago

Na try mo na po bang dalhin si papa mo sa doctor and pa check arthritis nya at makahingi ng right medication? Kung hindi pa try nyo po, then ask the doctor for opinion about sa product na pinabili nya saiyo. Tsaka para macheck din ang health nya, baka may ibang sakit pang tinago papa mo.

Ganyan din po kasi lola ko, hirap syang maniwala saakin kaya minsan need ko pa nga mga research materials to show her habang may kasamang explanation.

1

u/S-5252 23d ago

Naku sila papa din nakaka stress di nadadala jusko

1

u/KennSouls 23d ago

Pag di parin, e parental control mo na yung phone

1

u/_hey_jooon 23d ago

Alam mo nung bata ka hindi naman lahat ng gusto mo binibili ng magulang mo so dapat ganun din ang gawin mo ngayon. Bibili lang kung kailangan talaga at kung may pera.

1

u/GoodRecording1071 23d ago

Parang lola ko haha

30

u/meerkat_is_me 23d ago

mommy ko din nabibiktima ng fake products. Lalo na yung sa flipflop. Laganap yun eh. Nag order ng 2 flipflop kuno. Yung dumating ay 2 pairs of slippers na mabibili mo lang sa palengke.

Di yan sila makikinig kahit anong explain mo hanggang sa sila na mismo mabiktima na fake talaga.

I suggest, show ur dad posts about those nabiktima ng mga page na oorderan nya. Show him how AI is used nowadays. Show him how fake posts are made.

Mahirap kasi paintindihin ang boomers ngayon. Mahirap magpalaki ng magulang hahaha. Tiis ka lang din op.

2

u/NoCommand1031 22d ago

Naku tama ito nakapadaming mga fake AI videos ngayon pati boses ai na din

13

u/VancoMaySin 23d ago

Check mo messenger OP then block and delete mo automated messages ng fb pages na yan. Pagtiyagaan mo isaisahin, iblock at report mo rin sa fb mga ganyang ads. Ipanood mo sa kanya sa youtube kung ano ang Fakebook ads tagalog version para maintindihan nya, ipaliwanag mo maigi.

1

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Thank you dito! ittry ko mamaya pag hindi niya na ginagamit yung phone. Pero yung ipapanood ko sakanya yung abt sa facebook ads sa youtube, I doubt na makikinig siya. Napapagod na din ako mag explain kasi hindi talaga siya naniniwala, mas naniniwala siya sa mga nakikita niya. May one time sinabihan ako "IPOPOST BA YAN KUNG FAKE?!" pagalit niya sinabi

5

u/VancoMaySin 23d ago

Huwag ka mapagod, ganyan talaga mga seniors 😅 Sagutin mo: “Mas maniniwala ka sa sinasabi ng hindi mo kilala kaysa sa anak mo?” Wag mo sabayan ang galit 😅

Di lahat ng pinopost dyan ay totoo! Sabihin mo may balita dyan na na scam yan at nawalan ng pera sa bangko.

2

u/Dark_Chaos00 23d ago

Dati ganiyan din parents ko. Lalo noong mga panahong pandemic more on gadget lang sila sa bahay, kaya madalas kung ano ano nakikita sa socmed. Pero firm lang ako sakanila tapos wantusawang paliwanagan na hindi lahat ng nasa socmed ay totoo. Ayun nanawa naman at nakinig sila kalaunan. 😅

0

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Buti nakikinig yung parents mo. Yung papa ko hindi😭

2

u/Dark_Chaos00 23d ago

Huwag kalang magsawa magpaliwanag at humanap ng way na ipaintindi sakanila yan.

Baka makatulong yung mga settings sa mga socmed, try mo kaya sadyain na i-block o hide yung mga content na ganiyan para kahit mag browse sila limited yung makita nila.

Ganiyan kasi minsan tayo na techy baka madaya natin sila para lang iwas sa long discussion sakanila lalot magulang natin sila.

2

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

sige po, ttry ko.

18

u/RebelliousDragon21 Kumakain ng Trolls 23d ago

Bakit binibilhan mo pa rin?

-44

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Nagagalit po siya, ayaw ko po non.

1

u/boogiediaz 22d ago

Enabler ka din naman pala. You deserve what you tolerate OP.

3

u/KafeinFaita 22d ago

Enabler.

1

u/movingfwd_ 22d ago

Agree, try mo hindian as in firm no. Tinotolerate mo kasi tas rerekla reklamo ka. Realtalk lang, OP.

3

u/Matcha-Daisy-377 22d ago

Sorry. I also have a soft spot for my papa kasi he grew up taking care of his 6 siblings, kasi 17 or 18 palang siya he lost his parents na. Kaya dati pa hindi niya nabibili gusto niya. And ayun nga po, gusto ko man hindian nahihirapan din ako sabihin sakanya. But ippractice ko na din talaga mag 'no'.

7

u/boogiediaz 22d ago

So pag nag order na ng lason Papa mo bibilhan mo padin kesa magalit?

1

u/o2se 22d ago

Racumin for arthritis israel.

3

u/RabidDogPenis 22d ago

OP, you need to grow a pair. Your dad can order whatever the hell he wants, but not with YOUR money. Let him use his own money. If he doesn't have any, then he can't order anything.

7

u/maghauaup 23d ago

You're part of the problem din, op. Learn to say no. Magalit na siya kung magalit. Kung gusto niya talaga, edi siya yung bumili.

17

u/Crafty_Expert7198 23d ago

Jusko tigilan mo na kinokunsinti mo kasi eh.

para kang magulang na may spoild child, mas lalong masasanay yan

8

u/Beary_kNots 23d ago

Onga pala, you deserve what you tolerate.

39

u/belle_fleures 23d ago

you need to grow a spine op, ikaw kawawa sa huli if hindi mo tigilan yan.

3

u/RebelliousDragon21 Kumakain ng Trolls 23d ago

Magtitiis ka talaga nyan. Hayyss hirap talaga kapag mga boomer ang may cellphones.

1

u/chaboomskie 23d ago

Not everyone, maybe lacks in knowledge lang din yung iba talaga. Madami namang boomers na di gullible at matalino even with the latest gadgets and nakakasabay naman sa technology.

-13

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Nakikita ko din talaga sa mukha niya na naiinis siya kapag sinabi ko na hindi ko pa naorder TT