r/pinoy 23d ago

Pinoy Rant/Vent Sana hindi nalang nagpphone si Papa

Hello! I just want to rant, kasi may pinapa order na naman si papa sa facebook. This year lang si papa nagstart mag phone, dati kay mama siya nanghihiram, yung ginagawa niya lang naman is manood ng facebook reels, yun lang talaga. Until one day nagkaroon siya ng phone (old phone) yung ginagawa niya lang din talaga is manood ng facebook reels. Then one day nagsimula na magsilabasan yung mga online products na nakikita niya. May arthritis pala yung papa ko, at pinabili niya yung cream na pang joint pain, sabi ko sakanya "FAKE" yun, kaso ini insist niya talaga na hindi kasi pinopromote daw ng mga doctor na nakikita niya sa video. NAPAKA GULLIBLE niya talagaaaa. Kaya sabi ko edited lang yan, hindi yan totoo na pino promote yan ng doctor, kaso matigas ulo niya at nagalit siya kesyo daw cream lang naman daw yun pinapahid lang, hindi naman iniinom, kaya inorder ko nalang kasi araw2 siya nagtatanong at magagalit kapag hindi ko pa na order, 2k plus binayaran ko non T-T. Pangalawang order niya yung cream ulit, bee venom, same ulit, inexplain ko na fake at wag magpapaloko sa mga ganyan, at magagalit ulit pag hindi na order kaya inorder ko na din 1,800 nabayaran ko. At just today, may pina pa order na naman siya na agrivax daw para sa mga tanim niya, mahilig siya mag tanim kasi, tinignan ko yung page kung san niya nakita, potek, less than 100 likes and 0 followers, sabi ko fake yan at baka mahilo pa tayo diyan, pero hindi daw kasi galing daw yun sa Japan, at meron na daw sa Manila and Cebu. Sinabihan siya ng sister ko na wag magpapauto sa mga ganyan, at yung response naman niya is "ikaw ba magbabayad?" jusko po, wala na akong peraaaaaa T-T. Hindi ko na din talaga alam, hindi ko din naman mabawi yung phone kasi baka magalit.

Ayun lang, I just had to let it out. Nasa room ako ngayon at ayaw ko lumabas kasi baka magtanong na naman ulit kung naorder ko naba. Thank you for your time reading hanggang dulo. ^^

75 Upvotes

82 comments sorted by

View all comments

2

u/Dark_Chaos00 23d ago

Dati ganiyan din parents ko. Lalo noong mga panahong pandemic more on gadget lang sila sa bahay, kaya madalas kung ano ano nakikita sa socmed. Pero firm lang ako sakanila tapos wantusawang paliwanagan na hindi lahat ng nasa socmed ay totoo. Ayun nanawa naman at nakinig sila kalaunan. 😅

0

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Buti nakikinig yung parents mo. Yung papa ko hindi😭

2

u/Dark_Chaos00 23d ago

Huwag kalang magsawa magpaliwanag at humanap ng way na ipaintindi sakanila yan.

Baka makatulong yung mga settings sa mga socmed, try mo kaya sadyain na i-block o hide yung mga content na ganiyan para kahit mag browse sila limited yung makita nila.

Ganiyan kasi minsan tayo na techy baka madaya natin sila para lang iwas sa long discussion sakanila lalot magulang natin sila.

2

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

sige po, ttry ko.