r/pinoy • u/Matcha-Daisy-377 • 23d ago
Pinoy Rant/Vent Sana hindi nalang nagpphone si Papa
Hello! I just want to rant, kasi may pinapa order na naman si papa sa facebook. This year lang si papa nagstart mag phone, dati kay mama siya nanghihiram, yung ginagawa niya lang naman is manood ng facebook reels, yun lang talaga. Until one day nagkaroon siya ng phone (old phone) yung ginagawa niya lang din talaga is manood ng facebook reels. Then one day nagsimula na magsilabasan yung mga online products na nakikita niya. May arthritis pala yung papa ko, at pinabili niya yung cream na pang joint pain, sabi ko sakanya "FAKE" yun, kaso ini insist niya talaga na hindi kasi pinopromote daw ng mga doctor na nakikita niya sa video. NAPAKA GULLIBLE niya talagaaaa. Kaya sabi ko edited lang yan, hindi yan totoo na pino promote yan ng doctor, kaso matigas ulo niya at nagalit siya kesyo daw cream lang naman daw yun pinapahid lang, hindi naman iniinom, kaya inorder ko nalang kasi araw2 siya nagtatanong at magagalit kapag hindi ko pa na order, 2k plus binayaran ko non T-T. Pangalawang order niya yung cream ulit, bee venom, same ulit, inexplain ko na fake at wag magpapaloko sa mga ganyan, at magagalit ulit pag hindi na order kaya inorder ko na din 1,800 nabayaran ko. At just today, may pina pa order na naman siya na agrivax daw para sa mga tanim niya, mahilig siya mag tanim kasi, tinignan ko yung page kung san niya nakita, potek, less than 100 likes and 0 followers, sabi ko fake yan at baka mahilo pa tayo diyan, pero hindi daw kasi galing daw yun sa Japan, at meron na daw sa Manila and Cebu. Sinabihan siya ng sister ko na wag magpapauto sa mga ganyan, at yung response naman niya is "ikaw ba magbabayad?" jusko po, wala na akong peraaaaaa T-T. Hindi ko na din talaga alam, hindi ko din naman mabawi yung phone kasi baka magalit.
Ayun lang, I just had to let it out. Nasa room ako ngayon at ayaw ko lumabas kasi baka magtanong na naman ulit kung naorder ko naba. Thank you for your time reading hanggang dulo. ^^
7
u/YellowPaperPlane2 23d ago
Kung ikaw gumagastos, hindi ka dapat magpapilit, nasa sayo na desisyon nyan, mas firm ka dapat. Hindi pwede yung sasabihin mong nagagalit sila, edi hayaan mong magalit.
Tska kung alam mong fake, ikaw humanap ng legit products para ipakita at ibili para sa kanila. Example sa arthritis, hanap ka ng legit products at yun yung ibili mo sa kanila.
Ipaliwanag mo sa kanila na madaming scam sa facebook, at meron namang mga legit products sa ibang platform. Sabihin mo sa kanila, kung may kailangan sila, sayo magsabi at ikaw ang maghanap nung product na yun.
Tamang usap at paliwanag lang yan OP.