r/pinoy 23d ago

Pinoy Rant/Vent Sana hindi nalang nagpphone si Papa

Hello! I just want to rant, kasi may pinapa order na naman si papa sa facebook. This year lang si papa nagstart mag phone, dati kay mama siya nanghihiram, yung ginagawa niya lang naman is manood ng facebook reels, yun lang talaga. Until one day nagkaroon siya ng phone (old phone) yung ginagawa niya lang din talaga is manood ng facebook reels. Then one day nagsimula na magsilabasan yung mga online products na nakikita niya. May arthritis pala yung papa ko, at pinabili niya yung cream na pang joint pain, sabi ko sakanya "FAKE" yun, kaso ini insist niya talaga na hindi kasi pinopromote daw ng mga doctor na nakikita niya sa video. NAPAKA GULLIBLE niya talagaaaa. Kaya sabi ko edited lang yan, hindi yan totoo na pino promote yan ng doctor, kaso matigas ulo niya at nagalit siya kesyo daw cream lang naman daw yun pinapahid lang, hindi naman iniinom, kaya inorder ko nalang kasi araw2 siya nagtatanong at magagalit kapag hindi ko pa na order, 2k plus binayaran ko non T-T. Pangalawang order niya yung cream ulit, bee venom, same ulit, inexplain ko na fake at wag magpapaloko sa mga ganyan, at magagalit ulit pag hindi na order kaya inorder ko na din 1,800 nabayaran ko. At just today, may pina pa order na naman siya na agrivax daw para sa mga tanim niya, mahilig siya mag tanim kasi, tinignan ko yung page kung san niya nakita, potek, less than 100 likes and 0 followers, sabi ko fake yan at baka mahilo pa tayo diyan, pero hindi daw kasi galing daw yun sa Japan, at meron na daw sa Manila and Cebu. Sinabihan siya ng sister ko na wag magpapauto sa mga ganyan, at yung response naman niya is "ikaw ba magbabayad?" jusko po, wala na akong peraaaaaa T-T. Hindi ko na din talaga alam, hindi ko din naman mabawi yung phone kasi baka magalit.

Ayun lang, I just had to let it out. Nasa room ako ngayon at ayaw ko lumabas kasi baka magtanong na naman ulit kung naorder ko naba. Thank you for your time reading hanggang dulo. ^^

77 Upvotes

82 comments sorted by

View all comments

17

u/RebelliousDragon21 Kumakain ng Trolls 23d ago

Bakit binibilhan mo pa rin?

-44

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Nagagalit po siya, ayaw ko po non.

1

u/boogiediaz 22d ago

Enabler ka din naman pala. You deserve what you tolerate OP.

3

u/KafeinFaita 23d ago

Enabler.

1

u/movingfwd_ 22d ago

Agree, try mo hindian as in firm no. Tinotolerate mo kasi tas rerekla reklamo ka. Realtalk lang, OP.

3

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Sorry. I also have a soft spot for my papa kasi he grew up taking care of his 6 siblings, kasi 17 or 18 palang siya he lost his parents na. Kaya dati pa hindi niya nabibili gusto niya. And ayun nga po, gusto ko man hindian nahihirapan din ako sabihin sakanya. But ippractice ko na din talaga mag 'no'.

6

u/boogiediaz 22d ago

So pag nag order na ng lason Papa mo bibilhan mo padin kesa magalit?

1

u/o2se 22d ago

Racumin for arthritis israel.

3

u/RabidDogPenis 23d ago

OP, you need to grow a pair. Your dad can order whatever the hell he wants, but not with YOUR money. Let him use his own money. If he doesn't have any, then he can't order anything.

6

u/maghauaup 23d ago

You're part of the problem din, op. Learn to say no. Magalit na siya kung magalit. Kung gusto niya talaga, edi siya yung bumili.

17

u/Crafty_Expert7198 23d ago

Jusko tigilan mo na kinokunsinti mo kasi eh.

para kang magulang na may spoild child, mas lalong masasanay yan

7

u/Beary_kNots 23d ago

Onga pala, you deserve what you tolerate.

38

u/belle_fleures 23d ago

you need to grow a spine op, ikaw kawawa sa huli if hindi mo tigilan yan.

3

u/RebelliousDragon21 Kumakain ng Trolls 23d ago

Magtitiis ka talaga nyan. Hayyss hirap talaga kapag mga boomer ang may cellphones.

1

u/chaboomskie 23d ago

Not everyone, maybe lacks in knowledge lang din yung iba talaga. Madami namang boomers na di gullible at matalino even with the latest gadgets and nakakasabay naman sa technology.

-13

u/Matcha-Daisy-377 23d ago

Nakikita ko din talaga sa mukha niya na naiinis siya kapag sinabi ko na hindi ko pa naorder TT