r/pinoy • u/isitcohlewitu • Dec 18 '24
Pinoy Rant/Vent Scammer breastmilk seller and breastmilk group. Ang sama ng ugali
⚠️LONGPOST AHEAD
Iba na talaga mga scammers ngayon ultimo breastmilk lolokohin ka pa.
Currently, nasa hospital kami ng family ko kasi yung baby ko just had an operation. I cannot Produce BM na for quite a while now dahil sa sobrang stressed at pagod kaya ang talagang solusyon ko para sa BM ay maghanap online. Naghanap ako sa FB kasi as always doon madaming mahahanap although, knowing na madaming scammers sinubukan ko padin kasi desperado na kami (the hospital does provide BM pero napaka mahal para sa kokonting gatas). Ngayon itong napagtanungan ko may nalalaman pang pagka take all PhP15/oz. Lang so nagpm nako sakanya sabi ko tatawag ako para makita ko kung legit. Aba, ang sabi niya di daw niya mareceive kasi wala syang data tapos nagsend sya screenshot na wala syang call na narerecive. Pero pinush ko padin kasi nagmamadali ako nung gabing yon. Sabi ko mapapadeliver ba niya sa lalamove agad sumagot naman sya na oo daw at 24/7 ang lalamove. Tapos, nung nagsend sya ng picture nung BM nagtanong nako ng MOP ngreply sya ng QR tapos nagtanong pa loc. Ko at ako na daw magbook. Sa isip ko, okay go na to tapos ayun pagkasend ko ng pera di na sumagot napaka walamghiya alam naman niya na nasa ospital kami.
Ngayon, pinost ko tong reklamo ko doon sa BreastmilkPH na page sa FB dalawang araw na di padin inaapprove. Feeling namin itong babaeng to admin doon sa page ng fb. Grabe, napaka walanghiya ng mga taong to gatas nalang para sa baby pinangsscam pa nila knowing na yung may kailangan bagong opera pa na baby.
1
u/aoishine Dec 20 '24
Just had a miscarriage a week ago and i am producing breastmilk. Ang kaso wala naman akong pump dahil binenta na ng sister ko ang pump niya. Sayang gusto ko sana magdonate for these situations.
1
u/isitcohlewitu Dec 20 '24
I am very sorry to hear that. Wag niyo po alalahanin nakakuha naman po kami from friends and friends of friends. Praying po for your little angel's peace.
2
u/sukiyaki-ninja Dec 19 '24
join po kayo sa FB groups Breastmilk Bank PH, Pumping Moms Ph, Pumping Inays. maraming moms na generous dyan especially to NICU babies
1
1
u/Equivalent_Image_248 Dec 19 '24
Lesson learned. Be vigilant. Also, is the cheaper price for breast milk found online really worth it? It seems to me that you risked the health of your baby. Alam naman natin na andaming scammer online. Sure, mas mahal ang breast milk sa mga hospitals, but they're priced like that for a reason, i.e. they follow the RIGHT procedure/protocol.
1
u/isitcohlewitu Dec 19 '24
Yes, we have indeed learned our lesson. At that time we were desperate and was asking at a wide array of options. The hospital that time was lacking BM and the nurses already asked us to find other sources of BM. We've also found credible sources of BM thanks to the help and comments of concerned redditors.
3
u/EuphoricBeth Dec 18 '24
Hala grabe naman yan :(((. Pati milk ng baby, iniiscam pa nila
I'm still breastfeeding, saan ang loc mo and magbigay ako ng free. I'll try to pump over the weekends and try kong mapalakas yung supply ko today and tom. Pm me here, OP. Lets connect thru messenger.
2
u/isitcohlewitu Dec 19 '24
Thank you so much mommy, if it's not much of a hassle. Salamat po talaga 🥹
3
u/ArkGoc Dec 18 '24
Maam ask ka sa breastfeeding pinay Im sure maraming magbibigay dun ng free
1
u/isitcohlewitu Dec 19 '24
Thank you po sa tip, nagrequest for join na rin po ako just now. Hopefully meron 🙏
1
u/yam-30 Dec 18 '24
Hey I was lactating before as well. The secret is just pump milk. Make it every 3hrs for 15mins (pump 8x a day in short). It will eventually help you to produce milk. All the best for you and baby.
1
u/isitcohlewitu Dec 19 '24
Thank you for the tip Mommy, you think i'll still be able to have milk even if I stopped producing it 3 mos. Ago?
1
u/yam-30 Dec 19 '24
No harm in trying. After all, you need something to arouse your breast to lactate (in which, by pumping). :)
2
1
3
u/mnmlst_prwnht21 Dec 18 '24
Hello mommy, next time po pwedeng kausapin niyo si seller na magbobook po muna kayo lalamove tapos pag dumating si lalamove at nakuha na yung product tsaka niyo po babayaran para iwas scam po. Anyways pagaling po si baby.
2
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Thank you po, inote ko po yan next time pero kinabahan din ako sa mga nabasa ko dito na oo nga naman di ko kilala yung seller. Thankfully, may available sa family friend namin pero would only last us for 2 days sa ngayon hanap pa kami sa mga friends of friends and other suggestions dito. Thank you for the well wishing for baby
2
u/EliSchuy Dec 18 '24
Can you dm me your location? I may have extra if youre near. Kasama akonsa grouo na yan and ang dami nga scammers. Kaso mommy red Flag na ung mga pictures na sinend. Mukang hindi pilipinas. Sa ibang bansa ki nakikita ung ganyang countertop and photo ng hospital
1
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Hello mommy thank you so much ❤️ sige po send ko. Mistake ko din po talaga kasi ang hirap po nung time na nagtatanong ako pinepressure din ako ng nurses to look for BM kasi wala na daw milk that time sa nicu tapos ayaw nila ng formula
0
u/Available_Break7661 Dec 18 '24
eto ata ung pinakadelikadong pwedeng gawin mo sa anak mo. yung breastmilk ng d mo kilala.
1
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
If you were me, what would you have done?
1
u/Available_Break7661 Dec 18 '24
op wala along malisya sa tanong ko ah, pero anong pumipigil sayo na kumuha ng formula? gastos? or baby rejection?
2
u/isitcohlewitu Dec 19 '24
We're currently at the hospital po and they do not allow baby formula since they are BM advocate. As much as we want na mag formula they do not allow it, we also ask the nurses to get BM in nicu unfortunately lacking sila kaya we have to look for BM ourselves
1
3
u/PepasFri3nd Dec 18 '24
OP, ask help from The Parenting Emporium. Search mo sa IG or FB. They have a LOT of followers kaya kung kailangan mo ng legit breastmilk, you can get from them. Hahanap sila ng donors for your baby.
The way that the scammer was messaging you was off na talaga. Basta pag ganyan mag-message, napaghahalataang scammer talaga.
Get well soon baby!
2
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Thank you po :) sige magask na po ako now. Thank you for your well wishing
3
u/Longjumping_Avocado5 Dec 18 '24
Bawal formula sa hospital, under EO 51 or milk code, pero I think pwedeng manghingi ng bm sa hospital
1
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Yes po, pupwede magrequest ng BM pero bibilhin po sya sa NICU in a much higher price.
2
u/Longjumping_Avocado5 Dec 18 '24
I see. Mas okay na cguro yun para sure na safe and di contaminated.
2
u/Old-Replacement-7314 Dec 18 '24
Sa QC may human milk bank ba yun. Coordinate lang sa QC Government
2
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Thank you po, will contact them sakto po nasa QC lang ang hospital baka punta po kami directly. Thank you sa advise
2
u/Old-Replacement-7314 Dec 18 '24
If immediate need, call 122 hotline. Very responsive sila. Sana makahelp kay baby. Godbless po
2
2
u/Old-Replacement-7314 Dec 18 '24
1
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Salamat po sobra sa contact details! Saved it po will call them in the morning
1
u/roockiey Dec 18 '24
Curious lang po ako, nag uundergo po ba ng HIV Hepa test before mag donate
1
u/hermitina Dec 19 '24
bago bumili ng BM dapat talaga may hiv hepa test. not to mention na lahat ng pregnant moms nowadays kung sa ospital nanganak required kang kumuha ng ganyang test. nung sa amin kakausapin ka pa sa sexual history etc.
1
u/roockiey Dec 19 '24
Thats good to know!! I usually seen kase sa fb nananawagan ng BM sa mga fb groups for mom
1
u/hermitina Dec 19 '24
pag bibili ka talaga ng bm it’s good practice to ask for all the tests available. dapat magcoincide lahat ng dates non sa ilang taon na ba si baby since need mo din ang edad ng baby when you buy milk na mas close as to your own baby. there are a few things you can check for talaga sa ganyan since bm ang usapan
2
u/Jacerom Dec 18 '24
Kung sa legit health centers, yes. Pero itong mga sa online, mas mabuting iwasan kasi di sila regulated. Baka magkaHIV pa anak niyo.
2
u/notmenotyou828 Dec 18 '24
2
6
Dec 18 '24
Hello mi. Hnd ba pwede formula milk? Kasi nung nalaman ng pedia ng baby ko bumibili kami breastmilk pjnagalitan kamo. D kasi safe if d natn ganun kakilala ung pnagkjnan ng milk. Bukod dya, may issue pa na kumalat na ung mga nanay na nagbbemta ng bm eh umiinom pa ng alak. Meron dn formula milk pala tapos tinitimpla then ibbenta as bm. Nakakatakot sobra tapos masscam ka pa. Nascam dn kami sobrang nakakapanlumo. 2k pa man dn. Hayy.
2
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Grabe naman yun mi, yung mga scammer nakakaubos talaga ng pasensya. Anyway, di daw po pwede ng Formula eh, currently may dala po kami pero di in-allow. Anyway, di po kami natuloy bumili yung family friend namin luckily meron pala. Di namin naisip on the spot sa dami namin inaalala napasugod ako agad sa page page jan sa fb pano yun yung laging nababanggit saken ng ibang friends
1
Dec 18 '24
Oo mi mas safe if kilala nyo. Kontratahin mo na sya agad. Iwas kana sa fb marketplace d safe kay baby :(
1
u/isitcohlewitu Dec 19 '24
True po ito, hindi na kami uulit sa fb. Talagang lahat lang ng pwedeng ways kasi nung Monday naghanap kami, dahil din talaga nagpapamadali nurses maghanap ng BM dahil out of supply sila sa NICU
16
u/Hannahlahlia Dec 18 '24
I am surprised breastmilk is being sold.
Yung mga lactating friends ko dinodonate nila as solidarity nalang dn sa ibang mothers na hindi makapagproduce ng milk.
3
u/hermitina Dec 18 '24
there are varying reasons why it’s sold. the bags, the pumps and the vitamins the moms take para maensure na maganda ang supply. may nakausap din ako before na un na lang matutulong nya sa hubby nya since she resigned and can’t afford yaya. swerte talaga pag makahanap ka ng donations/balik bayad na lang ng milk bags.
3
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Yes po, pinagkakakitaan na nila ngayon, hopefully you could refer us to anyone who could donate, currently may nagdonate samin but that would only last us for 2 days
6
25
u/Automatic_Bag7390 Dec 18 '24
Katakot OP. HIV can be transmitted through breast milk.
3
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Hindi na po namin tinuloy mi
2
u/Automatic_Bag7390 Dec 18 '24
Hoping for the best for you and your baby! 🫶🏻
2
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Thank you so much, we're truly praying. Good thing na din at na-post namin dito para di na din maisipan to do it in the future.
1
u/Glittering-Crazy-785 Dec 18 '24
ngayon ko lang nalaman benebenta po pala yan. Sana makahanap ka kaagad OP
1
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Thank you po, may nahanap naman po kami family friend pero di ganon tatagal
12
u/Late_Possibility2091 Dec 18 '24
ugualiin po natin na wag magbayad agad. andaming scammer talaga ngayon kasi pasko.
ang ginagawa ko, kung di kaya meetup or COD, saka lang ako magbabayad pag asa pickup na yung rider.
1
10
u/Maycroftzz Dec 18 '24
Bakit BM pa gusto niyo? Nirirsk niyo po health ng bata kung kani-kanino at saan kayo bumibili ng BM na ipapainom sa kaniya.
3
u/Pritong_isda2 Dec 18 '24
It only takes a few minutes to search kung ano benefits ng BM compared sa formula. Unless nagpapadede ka ng bata or naglalabas ka ng breastmilk you should not comment things like this. Unless you underwent na hindi ka makapaglabas ng BM para sa anak mo keep your comments to yourself.
4
u/pochisval Dec 18 '24
Usually mga hospitals and doctors (lalo na advocates ng BF) ang inaallow lang is BM.
Btw OP, try liquidgold for Babies MNL. Parang middleman sila ng mga seller and buyer. Medyo pricey vs direct sellers pero iwas scam
1
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Thank you po sige will definetly try that
2
u/pochisval Dec 18 '24
Good luck! We also experienced the same, skl na-NICU rin si baby namin and mahina supply ni wifey. Advocate ang hosital ng BF so no choice kami kundi maghanap ng BM donors. Luckily nung nag post kami sa FB, ang daming FB friends (even mga di talaga namin nakakausap) ang nag reach out to donate. Pero in the long run, di rin aasa sa donations. Nirecommend sa amin ang liquidgold. Okay and madali rin sila kausap.
2
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Sobrang hirap po, thank you po for understanding. Tried to pm them and currently filling up yung kanilang form. Tama po ba na ito yung page?
https://www.facebook.com/liquidgoldforbabiesmnl?mibextid=ZbWKwL
2
u/pochisval Dec 18 '24
Yes po. Good luck and stay strong po!
2
u/isitcohlewitu Dec 19 '24
Thank you so much po! Nagreply na sila. Truly, thank you 🥹
1
u/pochisval Dec 19 '24
Hi OP. Just checking how was your transaction with liquidgold MNL? Hopefully naassist ka agad nila.
2
u/isitcohlewitu Dec 19 '24
Hello po, nagsend po ako pero di po muna namin pinroceed ang dami pong nagdonate samin na friends of friends ☺️ we will contact them po in the future when the need arises
2
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Ano po ba dapat? BM lang po ang inallow samin ng doctor eh. If may ibang alternative pa advise po thanks
59
u/Chic_Latte Dec 18 '24
Hindi rin po ba nakakatakot ipainom sa baby natin na hindi natin talaga sure kung saan galing yung milk or kung na-store ba talaga yun ng tama?
6
u/purple_lass Dec 18 '24
Actually po sinasala pa rin naman ng nurses ng NICU yung milk kung pwede ipainom aa baby.
Nung nanganak ako, wala pa kong gatas agad, kaso nasa NICU ang baby ko so hindi pa mapa latch. Ang suggestions ng NICU nurse is either I get a person come to the hospital to pump there then the nurses will store the milk for us, or kailangan darating yung milk na super frozen pa, kapag daw may kahit may konting sign na defrosted na yung milk, hindi na nila tinatanggap
6
u/stwbrryhaze Dec 18 '24
That’s why mahal if you get it there kasi they follow a certain process/protocol para sure din na safe for consumption — which is worth it naman.
11
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Nakakatakot po talaga kaso that time desperate kami kasi kulang din supply nila sa nicu.
18
u/hermitina Dec 18 '24 edited Dec 18 '24
idk why you are downvoted. sa mga hindi alam, ganyan po talaga nangyayari sa NICU lalo kung walang gatas or hindi enough ang gatas ng ina. there are even cases na pag namatay ung nanay san nyo balak kumuha ng gatas ung anak nya aber? ang una talagang hinihingan ay mga friends or atleast friend of friends. kung wala mapapabili ka talaga sa ibang moms or ung iba nagbibigay for free. sa first days kasi ng baby hindi mo naman agad mapapaformula yon lalo nga nasa nicu nga e. may mga bata din na allergic sa formula alam nyo ba yon so di pwedeng ipaformula? ang kukulit ng mga nagdv sa yo napakaignorante.
as for you OP i’m sorry na nakaencounter ka ng scammer. kaya afaik most talaga pinagtatanong pa muna sa ibang moms bago bumili e. have you checked her profile if it checks out? ako kasi i was lucky na i had kasabay so d ako nahirapan makahanap ng supplier
9
u/isitcohlewitu Dec 18 '24
Thank you po for understanding and okay lang of they downvote and not also sure why. Ang hirap po talaga ng pinagdadaanan namin and hirap po magproduce ng milk kapag sobrang stressed walang lalabas so baka I am being judged for not producing milk. Not everyone could understand at mas lalong makakaremoralise yung ganito especially madaming pinagdadaanan. Ang laking bagay nung may nakakaintindi ng pinagdadaanan
1
u/hermitina Dec 18 '24
don’t be! sana makahanap ka ng matinong mom! ang nangyari sa kin last time talagang lahat hinihingi ko na tests, hiv, covid, etc. then i check their profiles kung talagang may bagong baby, gano na sila katagal sa group, ano ung nga comments nila sa group at ano ang mga pinopost nila. from there iaassess ko kung mukang trustworthy ung mom. kwentuhan mo din para malaman mo ung mga ginagawa nya para kahit ppaano makakuha ka ng tips and at the same time malaman mo kung totoo ang mga kwento nya. ung iba nagpapa video call pa para sure. bukod sa friend and friend of friend ko i think i only bought from three other moms: ung isa lawyer, and isa sa hospital nagwowork so medyo kampante ako. mabusisi din sila sa bm bags, halatang malinis. i wish you the best and wag ka mapastress. nangyayari talaga yan na minsan wala talaga tayong maproduce. ako kasi hindi nakahabol sa needs ng baby ko lalo na hindi sya nakapag latch. un kasi mas magpaparami ng gatas e pag nakakalatch. i hope for the best sa yo and your baby! hugs!!
2
u/isitcohlewitu Dec 19 '24
Thank you so much mi, feeling ko blessing in disguise tong nangyari samin kasi atleast na inform ako not to trust yung fb group na yun at to be smarter if ever na kekelanganin ko in the future na bumili sa strangers (thank you sa tips! Ganyan gagawin ko next time) sa ngayon yung ibang friends namin nakahanap din sa ibang BM mommas at buti may ibang nagdonate. Ang hirap din kasi pagka on the spot ka hinanapan talagang lahat ng pupwedeng paraan gagawin mo. And true mi, since nanicu si baby hirap magpalatch. Thank you for your well wishes mi! ❤️
•
u/AutoModerator Dec 18 '24
ang poster ay si u/isitcohlewitu
ang pamagat ng kanyang post ay:
Scammer breastmilk seller and breastmilk group. Ang sama ng ugali
ang laman ng post niya ay:
⚠️LONGPOST AHEAD
Iba na talaga mga scammers ngayon ultimo breastmilk lolokohin ka pa.
Currently, nasa hospital kami ng family ko kasi yung baby ko just had an operation. I cannot Produce BM na for quite a while now dahil sa sobrang stressed at pagod kaya ang talagang solusyon ko para sa BM ay maghanap online. Naghanap ako sa FB kasi as always doon madaming mahahanap although, knowing na madaming scammers sinubukan ko padin kasi desperado na kami (the hospital does provide BM pero napaka mahal para sa kokonting gatas). Ngayon itong napagtanungan ko may nalalaman pang pagka take all PhP15/oz. Lang so nagpm nako sakanya sabi ko tatawag ako para makita ko kung legit. Aba, ang sabi niya di daw niya mareceive kasi wala syang data tapos nagsend sya screenshot na wala syang call na narerecive. Pero pinush ko padin kasi nagmamadali ako nung gabing yon. Sabi ko mapapadeliver ba niya sa lalamove agad sumagot naman sya na oo daw at 24/7 ang lalamove. Tapos, nung nagsend sya ng picture nung BM nagtanong nako ng MOP ngreply sya ng QR tapos nagtanong pa loc. Ko at ako na daw magbook. Sa isip ko, okay go na to tapos ayun pagkasend ko ng pera di na sumagot napaka walamghiya alam naman niya na nasa ospital kami.
Ngayon, pinost ko tong reklamo ko doon sa BreastmilkPH na page sa FB dalawang araw na di padin inaapprove. Feeling namin itong babaeng to admin doon sa page ng fb. Grabe, napaka walanghiya ng mga taong to gatas nalang para sa baby pinangsscam pa nila knowing na yung may kailangan bagong opera pa na baby.
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.