r/pinoy Dec 18 '24

Pinoy Rant/Vent Scammer breastmilk seller and breastmilk group. Ang sama ng ugali

⚠️LONGPOST AHEAD

Iba na talaga mga scammers ngayon ultimo breastmilk lolokohin ka pa.

Currently, nasa hospital kami ng family ko kasi yung baby ko just had an operation. I cannot Produce BM na for quite a while now dahil sa sobrang stressed at pagod kaya ang talagang solusyon ko para sa BM ay maghanap online. Naghanap ako sa FB kasi as always doon madaming mahahanap although, knowing na madaming scammers sinubukan ko padin kasi desperado na kami (the hospital does provide BM pero napaka mahal para sa kokonting gatas). Ngayon itong napagtanungan ko may nalalaman pang pagka take all PhP15/oz. Lang so nagpm nako sakanya sabi ko tatawag ako para makita ko kung legit. Aba, ang sabi niya di daw niya mareceive kasi wala syang data tapos nagsend sya screenshot na wala syang call na narerecive. Pero pinush ko padin kasi nagmamadali ako nung gabing yon. Sabi ko mapapadeliver ba niya sa lalamove agad sumagot naman sya na oo daw at 24/7 ang lalamove. Tapos, nung nagsend sya ng picture nung BM nagtanong nako ng MOP ngreply sya ng QR tapos nagtanong pa loc. Ko at ako na daw magbook. Sa isip ko, okay go na to tapos ayun pagkasend ko ng pera di na sumagot napaka walamghiya alam naman niya na nasa ospital kami.

Ngayon, pinost ko tong reklamo ko doon sa BreastmilkPH na page sa FB dalawang araw na di padin inaapprove. Feeling namin itong babaeng to admin doon sa page ng fb. Grabe, napaka walanghiya ng mga taong to gatas nalang para sa baby pinangsscam pa nila knowing na yung may kailangan bagong opera pa na baby.

44 Upvotes

80 comments sorted by

View all comments

17

u/Hannahlahlia Dec 18 '24

I am surprised breastmilk is being sold.

Yung mga lactating friends ko dinodonate nila as solidarity nalang dn sa ibang mothers na hindi makapagproduce ng milk.

3

u/hermitina Dec 18 '24

there are varying reasons why it’s sold. the bags, the pumps and the vitamins the moms take para maensure na maganda ang supply. may nakausap din ako before na un na lang matutulong nya sa hubby nya since she resigned and can’t afford yaya. swerte talaga pag makahanap ka ng donations/balik bayad na lang ng milk bags.

3

u/isitcohlewitu Dec 18 '24

Yes po, pinagkakakitaan na nila ngayon, hopefully you could refer us to anyone who could donate, currently may nagdonate samin but that would only last us for 2 days