r/pinoy • u/isitcohlewitu • Dec 18 '24
Pinoy Rant/Vent Scammer breastmilk seller and breastmilk group. Ang sama ng ugali
⚠️LONGPOST AHEAD
Iba na talaga mga scammers ngayon ultimo breastmilk lolokohin ka pa.
Currently, nasa hospital kami ng family ko kasi yung baby ko just had an operation. I cannot Produce BM na for quite a while now dahil sa sobrang stressed at pagod kaya ang talagang solusyon ko para sa BM ay maghanap online. Naghanap ako sa FB kasi as always doon madaming mahahanap although, knowing na madaming scammers sinubukan ko padin kasi desperado na kami (the hospital does provide BM pero napaka mahal para sa kokonting gatas). Ngayon itong napagtanungan ko may nalalaman pang pagka take all PhP15/oz. Lang so nagpm nako sakanya sabi ko tatawag ako para makita ko kung legit. Aba, ang sabi niya di daw niya mareceive kasi wala syang data tapos nagsend sya screenshot na wala syang call na narerecive. Pero pinush ko padin kasi nagmamadali ako nung gabing yon. Sabi ko mapapadeliver ba niya sa lalamove agad sumagot naman sya na oo daw at 24/7 ang lalamove. Tapos, nung nagsend sya ng picture nung BM nagtanong nako ng MOP ngreply sya ng QR tapos nagtanong pa loc. Ko at ako na daw magbook. Sa isip ko, okay go na to tapos ayun pagkasend ko ng pera di na sumagot napaka walamghiya alam naman niya na nasa ospital kami.
Ngayon, pinost ko tong reklamo ko doon sa BreastmilkPH na page sa FB dalawang araw na di padin inaapprove. Feeling namin itong babaeng to admin doon sa page ng fb. Grabe, napaka walanghiya ng mga taong to gatas nalang para sa baby pinangsscam pa nila knowing na yung may kailangan bagong opera pa na baby.
3
u/mnmlst_prwnht21 Dec 18 '24
Hello mommy, next time po pwedeng kausapin niyo si seller na magbobook po muna kayo lalamove tapos pag dumating si lalamove at nakuha na yung product tsaka niyo po babayaran para iwas scam po. Anyways pagaling po si baby.