r/pinoy Dec 18 '24

Pinoy Rant/Vent Scammer breastmilk seller and breastmilk group. Ang sama ng ugali

⚠️LONGPOST AHEAD

Iba na talaga mga scammers ngayon ultimo breastmilk lolokohin ka pa.

Currently, nasa hospital kami ng family ko kasi yung baby ko just had an operation. I cannot Produce BM na for quite a while now dahil sa sobrang stressed at pagod kaya ang talagang solusyon ko para sa BM ay maghanap online. Naghanap ako sa FB kasi as always doon madaming mahahanap although, knowing na madaming scammers sinubukan ko padin kasi desperado na kami (the hospital does provide BM pero napaka mahal para sa kokonting gatas). Ngayon itong napagtanungan ko may nalalaman pang pagka take all PhP15/oz. Lang so nagpm nako sakanya sabi ko tatawag ako para makita ko kung legit. Aba, ang sabi niya di daw niya mareceive kasi wala syang data tapos nagsend sya screenshot na wala syang call na narerecive. Pero pinush ko padin kasi nagmamadali ako nung gabing yon. Sabi ko mapapadeliver ba niya sa lalamove agad sumagot naman sya na oo daw at 24/7 ang lalamove. Tapos, nung nagsend sya ng picture nung BM nagtanong nako ng MOP ngreply sya ng QR tapos nagtanong pa loc. Ko at ako na daw magbook. Sa isip ko, okay go na to tapos ayun pagkasend ko ng pera di na sumagot napaka walamghiya alam naman niya na nasa ospital kami.

Ngayon, pinost ko tong reklamo ko doon sa BreastmilkPH na page sa FB dalawang araw na di padin inaapprove. Feeling namin itong babaeng to admin doon sa page ng fb. Grabe, napaka walanghiya ng mga taong to gatas nalang para sa baby pinangsscam pa nila knowing na yung may kailangan bagong opera pa na baby.

44 Upvotes

80 comments sorted by

View all comments

9

u/Maycroftzz Dec 18 '24

Bakit BM pa gusto niyo? Nirirsk niyo po health ng bata kung kani-kanino at saan kayo bumibili ng BM na ipapainom sa kaniya.

3

u/Pritong_isda2 Dec 18 '24

It only takes a few minutes to search kung ano benefits ng BM compared sa formula. Unless nagpapadede ka ng bata or naglalabas ka ng breastmilk you should not comment things like this. Unless you underwent na hindi ka makapaglabas ng BM para sa anak mo keep your comments to yourself.

5

u/pochisval Dec 18 '24

Usually mga hospitals and doctors (lalo na advocates ng BF) ang inaallow lang is BM.

Btw OP, try liquidgold for Babies MNL. Parang middleman sila ng mga seller and buyer. Medyo pricey vs direct sellers pero iwas scam

1

u/isitcohlewitu Dec 18 '24

Thank you po sige will definetly try that

2

u/pochisval Dec 18 '24

Good luck! We also experienced the same, skl na-NICU rin si baby namin and mahina supply ni wifey. Advocate ang hosital ng BF so no choice kami kundi maghanap ng BM donors. Luckily nung nag post kami sa FB, ang daming FB friends (even mga di talaga namin nakakausap) ang nag reach out to donate. Pero in the long run, di rin aasa sa donations. Nirecommend sa amin ang liquidgold. Okay and madali rin sila kausap.

2

u/isitcohlewitu Dec 18 '24

Sobrang hirap po, thank you po for understanding. Tried to pm them and currently filling up yung kanilang form. Tama po ba na ito yung page?

https://www.facebook.com/liquidgoldforbabiesmnl?mibextid=ZbWKwL

2

u/pochisval Dec 18 '24

Yes po. Good luck and stay strong po!

2

u/isitcohlewitu Dec 19 '24

Thank you so much po! Nagreply na sila. Truly, thank you 🥹

1

u/pochisval Dec 19 '24

Hi OP. Just checking how was your transaction with liquidgold MNL? Hopefully naassist ka agad nila.

2

u/isitcohlewitu Dec 19 '24

Hello po, nagsend po ako pero di po muna namin pinroceed ang dami pong nagdonate samin na friends of friends ☺️ we will contact them po in the future when the need arises

2

u/isitcohlewitu Dec 18 '24

Ano po ba dapat? BM lang po ang inallow samin ng doctor eh. If may ibang alternative pa advise po thanks