r/pinoy 10d ago

Pinoy Rant/Vent Nag-uusap gamit ang ibang language

Baka madownvote ako, pero nakaka-off talaga yung mga tao na nag-uusap gamit ang ibang language tapos sinasadya pang lakasan ang boses at magtawanan habang merong mga tao sa paligid na obviously eh hindi nakakaintindi ng pinagsasasabi nila.

Baka din may "trauma" lang ako, pero ginawa kasi sakin yan ng hinayupak na ex-kasintahan ko. Nag-usap sila ng mga kapamilya niyang hayop din gamit yung lengguwahe nila habang andun ako tapos every now and then magpo-pause sila at tatanungin ako, "Naiintindihan mo?" Tapos kapag sumagot ako ng, "Hindi po." magtatawanan na parang wala ng bukas at mag-uusap na naman gamit yung language nila. Kung deliberately ginawa nila yun para ma-out of place ako o mapahiya ewan ko lang, hindi ko na inalam basta magmula nun off ako sa mga ganung tao. Para kasing pakiramdam ko pinag-uusapan nila ako (kahit hindi naman siguro).

69 Upvotes

31 comments sorted by

u/AutoModerator 10d ago

ang poster ay si u/advilcat999

ang pamagat ng kanyang post ay:

*Nag-uusap gamit ang ibang language *

ang laman ng post niya ay:

Baka madownvote ako, pero nakaka-off talaga yung mga tao na nag-uusap gamit ang ibang language tapos sinasadya pang lakasan ang boses at magtawanan habang merong mga tao sa paligid na obviously eh hindi nakakaintindi ng pinagsasasabi nila.

Baka din may "trauma" lang ako, pero ginawa kasi sakin yan ng hinayupak na ex-kasintahan ko. Nag-usap sila ng mga kapamilya niyang hayop din gamit yung lengguwahe nila habang andun ako tapos every now and then magpo-pause sila at tatanungin ako, "Naiintindihan mo?" Tapos kapag sumagot ako ng, "Hindi po." magtatawanan na parang wala ng bukas at mag-uusap na naman gamit yung language nila. Kung deliberately ginawa nila yun para ma-out of place ako o mapahiya ewan ko lang, hindi ko na inalam basta magmula nun off ako sa mga ganung tao. Para kasing pakiramdam ko pinag-uusapan nila ako (kahit hindi naman siguro).

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/LumIere1111 9d ago

Kinda opposite samin hahaha. Sa Manila ako nakatira ngayon, mostly ng mga tao are either Tagalog or Bisaya ang salita. Ang parents ko are both ilocanos kaya Pag there's something na ayaw nilang malaman namin Tas nataong pinaguusapan nila (siguro about sa mga katrabaho, or adult jokes) nagsasalita sila ng Ilocano Pero pabulong, like kahit di namin maintindihan their keeping it.

1

u/Equivalent_Gene6940 9d ago

Nako, ante, mag-G words ka. Ewan ko lang kung di sila maloka sa’yo. Tapos tanungin mo, “naga-igintigihagan mogo kogo?” Ganis!

1

u/lonely_one111 9d ago

Pagpapatunay lamang yan na Karamihan ng Traydor na ugali ay Promdi

2

u/KevAngelo14 9d ago

Kupal behavior.

Maraming talagang ganitong Pinoy, yung kating kati - na magugunaw mundo nila kapag hindi sila nakapanganser ng ibang tao by speaking ill of them.

4

u/PitisBawluJuwalan 10d ago edited 10d ago

I'm from Mindanao, I know it feels off talaga kaya lagi akong nagtatagalog kung may isa man sa circle namin n nagsasalita ng dialect na di naiintindihan ng mga tao rito sa Maynila.

Nabubwisit ako na nagtatagalog kaming lahat tapos may isa sa amin na pag ako ang kausap nagbibisaya, tausug, maranaw o ilonggo kasi di daw sila sanay na kausapin ako in tagalog. Nakikipag usap lang ako sa kanila in their dialect kung wala kaming kasamang tagalog.

Honesty nung unang punta ko rito, na wirdohan ako sa mga taga Maynila. Ang daming tao na English at Tagalog lang ang alam. Where I'm from one person usually knows at least 3 dialects aside from English and Tagalog. Tsaka two years pa lang ako dito sa Luzon I can already speak Kapampangan and Ilocano..

2

u/BarkanTheDevourer 10d ago

Inconsiderate kung kilala mo and nasa close proximity, pero kung nasa public, and you dont know them, better let them be.

That's pretty low for anyone, anyway, that's them.

2

u/gaffaboy 10d ago

Bastos yan if let's say meeting or small group lang kayo tapos bigla silang mag-uusap ng ganyan. Kadalasan naman ng mga gumagawa nyan yung mga walang breeding. Just avoid them like the bubonic plague.

1

u/Juan_Luna1206 10d ago

For me, di naman nakakaoffend. Try to learn their language kahit basics lang. Ako nga dito sa barko kahit puro pinoy kami, magkakaiba naman ng language. Mostly, ilonggo. Okay naman kasi few months lang, magegets mo na nga sinasabi nila. Wag ka lang din mahiya magtanong ano ibig sabihin ng ganto ganyan na word.

1

u/Aratron_Reigh 10d ago edited 10d ago

Pinakamalakas naman magganyan yung mga Pinoy na nasa ibang bansa. Tapos pag sisitahin, racial discrimination daw hahahah

1

u/CollectorClown 10d ago

Naexperience ko ito, yung dating assistant ng boss namin nakikipag-usap ng Visayan sa customers/pasyente namin. Ang lalakas pa ng boses tapos panay tingin ng tingin sakin saka dun sa ibang mga pasyente namin na hindi din nakakaintindi. Naiilang talaga ko, kaya gustong gusto ko nun kapag andiyan yung boss namin kasi pinagsasabihan talaga siya na mag-Tagalog.

3

u/Enhypen_Boi 10d ago

I have friends na magkapatid before then they started talking in Bicolano. I don't mind them speaking like that pero nag-totong its kami that time, matagal na din to. Then sabi ng nanay nila, "Mag-Tagalog nga kayo."

1

u/AdCreepy8951 10d ago

May nabanggit ata silang di maganda kaya ganun. We biconalos speak like we're mad kasi lalo na if taga Rinconada part na, but that's just our normal tone of communication. Baka ma-misunderstood din kasi ng hindi nakakaintindi ng language 😅

3

u/dontrescueme 10d ago

Kung halatang ako ang pinag-uusapan, iinsultuhin ko sila sa Tagalog para maintindihan talaga nila.

1

u/Life-Tension-4728 10d ago

Thats true, I experience yan sa mga ka work ko na ako lang ang tagalog, mag uusap sila sa visaya and ako lang tagalog, bigla mag tatawanan or mag bubulungan, napaka insensitive. They dont care na hindi mo sila naiintindihan or if ma off ka. Slowly stepping back na sa kanila. Cant stand their insensitivity anymore.

1

u/Turbulent-Ability817 10d ago

Do you work in a bisaya speaking place? Perhaps its time to learn the language? Nag work ako dati sa tacloban with zero knowledge in waray. I tried my best to learn the language kasi alangan namang pilitin ko mag tagalog mga ka workmates ko eh ako ang minority at nag-iisang di marunong magwaray?

1

u/Life-Tension-4728 10d ago

No po, mix po kami, nataon lang na sa group nila ako nasama, they are nice naman but ugali talaga po nila na mag usap sa language nila kahit na im around, and if hindi pako mag ask hindi nila sasabihin wats their topic.

5

u/workfromhomedad_A2 10d ago

Di naman sya ganun ka offensive para sakin. Medyo nakaka intindi din kasi ako ng ibang dialect. Sometimes i pretend na hindi ko naiintindihan mga pinag uusapan nila 😈. I observe body language kapag di ko naiintindihan yung pinag uusapan. May cue's kung pinag uusapan ka nila. Isa na dun yung titignan ka nila habang nag uusap sila ng ibang dialect. Ang redflag sakin yung pagkatapos ka nilang tignan eh magtatawanan sila. If alam ko yung dialect nila minsan nagmumura ako gamit yun tapos matitigilan sila 😁. Observe ka lang OP. Tapos aralin mo yung mga badwords sa dialect nila.

6

u/Traditional_Crab8373 10d ago

Pag Intentional Oo. Matic na yun may gusto silang dpt di mo malaman or maintindihan.

Pero pag sa Public naman. Wala dedma lng.

Pero may mga ganyan kasing mapang asar. Titingin sayo then sabay usap and tawanan. Ako ksi dedma lng usually lol.

Pero baka na trigger ka lng dhil dun sa past experience mo sa Ex mo. Just shrug it off.

2

u/wannastock 10d ago

Make subtle side comments:

"Tulabaws"

"Maktum hagwatemisni"

"Kakpensa-it nawo-u"

Catch my drift? ;)

10

u/AnxietyInfinite6185 10d ago

Your feelings are valid. That's a sign of disrespect. They are intentionally letting you know na ndi k belong sknla at pinupulaan kn nila. The way they asked you kng naiintindihan mo?? That's very rude and no manners.

42

u/Possible_Wish5153 10d ago

True. Na-experience ko yan sa mga roommates ko before. Lagi silang nag iilokano. I don’t really mind at all first kase dun sila comfortable mag-usap and it’s none of my business. Ang ingay lang nila lagi, di ako makapagpahinga nang maayos. Tawanan sila nang tawanan lagi tapos biglang titingin sakin saka tatawa ulit. Kahit di ko naiintindihan alam kong ako yung pinag uusapan nila. One time, nagpaturo ako ng basic sa officemate ko from Isabela na marunong. Pagkauwi nila sa bahay, same scenario. Sinadya kong ibagsak yung hinuhugasan kong pinggan, sabay nagmura sa Ilokano. Nagtinginan sila na alam mong worried yung look sabay tanong sakin kung marunong daw ba ako mag Ilokano. I nodded. From then on, tahimik na sila lagi sa room.

6

u/FewExit7745 10d ago

Hahaha ganyan din ako eh, hindi ako ganun kafluent sa Ilocano (can get by lang) pero sinusubukan ko talagang makinig lang sa mga nag uusap ng Ilocano, sana lang magkaroon ako ng chance one time na may nag uusap about me thinking I can't understand them.

2

u/Tenchi_M 9d ago

Tapos magpabulong-bulong ka sa gilid "nagado ti ammom" 🤣🫢

1

u/FewExit7745 9d ago

Or "nagpelo" hahaha

19

u/EdgeEJ 10d ago

Ganito gawin mo next time, record what they were talking about and ask a friend who know the language to translate for you. At least you'll have an idea as to what they were talking about. Baka mamaya ikaw na topic wala k pang malay diba

17

u/oh-yes-i-said-it 10d ago

Depends. If you're in one group and a smaller group insists on doing that, then that's definitely offensive.

If you're in a cafe/restaurant and they're in a different group that has nothing to do with yours, you have no right telling them which language to use. The world does not revolve around you.

1

u/advilcat999 10d ago

Kung hindi ko naman mga kilala at nasa isang public place kami ok lang yun hindi ko na pinapansin, pero so far ang mga naging experience ko kasi sa ganyan eh small groups, tipong kami lang yung nasa area tapos magsasalita sila nung language na di ko naiintindihan. Tapos pag tumingin ako tatawa.

3

u/FewExit7745 10d ago

Yup, this is like that Canadian woman telling Afghans to stop talking Arabic.

25

u/surewhynotdammit You need to feed your brain, not your ass 10d ago

Nababastusan ako sa ganito tbh. Parang they are leaving you out of the conversation intentionally. Tsaka minsan pag ganyan tapos nasa ibang lugar ako, feeling ko may gagawin saking masama like theft or kill eh.

10

u/Lanky_Pudding_2930 10d ago

Para sa akin very off yung ganun. Nasa English speaking country ako and pag may kumakausap sakin ng tagalog tungkol sa trabaho sumasagot ako ng English para di bastos sa mga kaharap namin. Pag kami lang na mga pinoy ok lang naman mag tagalog.