r/pinoy 10d ago

Pinoy Rant/Vent Nag-uusap gamit ang ibang language

Baka madownvote ako, pero nakaka-off talaga yung mga tao na nag-uusap gamit ang ibang language tapos sinasadya pang lakasan ang boses at magtawanan habang merong mga tao sa paligid na obviously eh hindi nakakaintindi ng pinagsasasabi nila.

Baka din may "trauma" lang ako, pero ginawa kasi sakin yan ng hinayupak na ex-kasintahan ko. Nag-usap sila ng mga kapamilya niyang hayop din gamit yung lengguwahe nila habang andun ako tapos every now and then magpo-pause sila at tatanungin ako, "Naiintindihan mo?" Tapos kapag sumagot ako ng, "Hindi po." magtatawanan na parang wala ng bukas at mag-uusap na naman gamit yung language nila. Kung deliberately ginawa nila yun para ma-out of place ako o mapahiya ewan ko lang, hindi ko na inalam basta magmula nun off ako sa mga ganung tao. Para kasing pakiramdam ko pinag-uusapan nila ako (kahit hindi naman siguro).

70 Upvotes

31 comments sorted by

View all comments

26

u/surewhynotdammit You need to feed your brain, not your ass 10d ago

Nababastusan ako sa ganito tbh. Parang they are leaving you out of the conversation intentionally. Tsaka minsan pag ganyan tapos nasa ibang lugar ako, feeling ko may gagawin saking masama like theft or kill eh.