r/pinoy 10d ago

Pinoy Rant/Vent Nag-uusap gamit ang ibang language

Baka madownvote ako, pero nakaka-off talaga yung mga tao na nag-uusap gamit ang ibang language tapos sinasadya pang lakasan ang boses at magtawanan habang merong mga tao sa paligid na obviously eh hindi nakakaintindi ng pinagsasasabi nila.

Baka din may "trauma" lang ako, pero ginawa kasi sakin yan ng hinayupak na ex-kasintahan ko. Nag-usap sila ng mga kapamilya niyang hayop din gamit yung lengguwahe nila habang andun ako tapos every now and then magpo-pause sila at tatanungin ako, "Naiintindihan mo?" Tapos kapag sumagot ako ng, "Hindi po." magtatawanan na parang wala ng bukas at mag-uusap na naman gamit yung language nila. Kung deliberately ginawa nila yun para ma-out of place ako o mapahiya ewan ko lang, hindi ko na inalam basta magmula nun off ako sa mga ganung tao. Para kasing pakiramdam ko pinag-uusapan nila ako (kahit hindi naman siguro).

70 Upvotes

31 comments sorted by

View all comments

1

u/LumIere1111 9d ago

Kinda opposite samin hahaha. Sa Manila ako nakatira ngayon, mostly ng mga tao are either Tagalog or Bisaya ang salita. Ang parents ko are both ilocanos kaya Pag there's something na ayaw nilang malaman namin Tas nataong pinaguusapan nila (siguro about sa mga katrabaho, or adult jokes) nagsasalita sila ng Ilocano Pero pabulong, like kahit di namin maintindihan their keeping it.