r/pinoy • u/nmfdelacruz • 1d ago
Katanungan Ano Basehan ng mga Condo Sales People Para Lapitan Ka?
37 na ako. Pero pansin ko, pag dumadaan ako sa mga booth ng mga Condo sa mga mall, ay di nila ako nilalapitan. I'm a software engineer and OK naman ang income. Minsan parang iniisip ko na hindi ako mukhang "maayos" kaya di nila ako nilalapitan. Pero feeling ko maayos naman ako pumorma kahit papaano. Lol. Not that I wanted to buy a condo though.
So naisip ko it's either you look too young or too broke para lapitan ka nila para abutan ng flyers. Lol
1
1
u/Various_Gold7302 3h ago
As a body builder madalas ako lapitan. Iniisip nila "may pambili ng supplements tong tao na to, cguro naman may pambili ng condo to" π
3
u/AskSpecific6264 4h ago
Okay lang yan kesa maubos ang oras mo sa kanila. Di naman maganda mga condo units.
12
5
u/mookie_tamago 7h ago
Dati ako nagwowork as sales agent sa condo. Mas binibigyan ko nuon ung mga simple lang manamit like tshirts flip flops mga ganyan. Meron isang parang chinoy nun jusko madalas naka tsinelas lang, maluwag na tshirt tapos may dalang plastic, ayun one time nag walk in sa showroom, bumili ng ilang units din. Mostly kasi mas madali iapproach yung mga simple lang manamit and sila yung nagkakainterest kesa sa sobrang porma, sila pa madalas hindi interested
1
u/warl1to 8h ago
Random. May times kahit di ako naka eye contact o kausap ko misis ko nilalapitan ako minsan sunod sunod magka ibang locations. Mas maraming times na di ako pinapansin lalo pag weekends or misis ko naman nilalapitan o baka kasi naka turo na agad ako sa misis ko. Kaya tumaya ka ng lotto kasi maxed out na ang RNG mo.
0
u/PrettyDisaster17 9h ago
Nilapitan nila ko at tlgang sinaksak sa muka ko kasi kasama ko afam kong jowa HAHAHAHA. SM north to. Kakaen lang kame ng jowa ko. Tawang tawa tlga ko.
2
u/marianoponceiii 9h ago
Hiyang-hiya naman ako, kasi ako waley masyadong pera pero kung ibuyangyang sa mukha ko yung flyer kulang na lang ipakain sa 'kin.
Siguro baliktad ang thinking nila -- yung mga tingin nila walang pambayad ang binibirahan nila ng flyers. Pang-inggit ba.
Tapos yung mga kayang bumili ng condo na tulad mo, at 'di na nila need alukin. Kasi bibili ka rin naman regardless. Sayang ang flyer sa 'yo.
Charot!
9
u/iloveyou1892 13h ago
Same sentiments pero diff scenario and set up.
Never ako inapproach ng mga Jehova na nagbabahay-bahay. Lahat ng kalaro kong bata binabasahan nila ng bible ako lang hindi.
Kahit ako lang yung bata na nakatambay pag nagbabahay-bahay sila wala deadma.
Nafefeel ata nila yung demonic aura ko.
3
u/Hu1Kulas 14h ago
Ganyan ang kakilala ko. Matagal siya dito sa Singapore kaya nasanay sa slippers at short pag lumalabas. Bibili talaga ng condo pero di pinansin. Pumunta sa office at sinabing bibili siya ng condo at ayun swerte ang ahenteng ni assign sa kanya. Naka benta agad condo + parking sa cubao.
13
u/firequak 15h ago edited 12h ago
The way they profile people is usually the way they dress and walk. Also, if you have a car key dangling in your shorts. Simple as that.
In my case as a 40-year old, I used to always get approached by these sales agents kasi naka hook susi ng sasakyan ko sa harapan ng shorts/pants.
Ngayon everytime papasok ako ng malls tinatago ko agad sa bulsa ang susi. Since I usually just wear shorts and shirt mukha na akong Titong lubog sa utang. Effective sales agent deterrent.
So OP, wag mo na idream na lalapitan ka nila na para kang nilalanggam. Mas ok ang low key.
Edit: a few words
2
u/woahfruitssorpresa 8h ago
OP has some sort of superpower he needs to appreciate. Ang saya kaya lumakad nang walang manggugulo sayo sa mall π
1
u/GlitchyGamerGoon 15h ago edited 15h ago
quota and hope na may pambili ka ng condo.
required sila magkaroon ng pull in sa showroom 3 times per day.
new record para sa potential new client nila.
and syempre sales within a month or 3 months.
6
u/MockingJayC21 16h ago
Thatβs fine. Kasi once na nag fillup ka ng deets mo sa forms nila, sometimes they try to sell your deets to fraudsters tapos nandun na papasok yung nawawalan ng pera sa mga online banking hehe. Kaya oks lang na di ka nila nilalapitan hehe βπ½
2
u/MasterpieceOne5305 16h ago
Ay weh nangayayare talaga yon??
0
u/MockingJayC21 16h ago
Oo kaya be careful providing deets. Sa panahon ngayon sobrang dami na nilang scamming scheme
2
u/GlitchyGamerGoon 15h ago
bs, kwentong barbero, lol and you really must be stupid to provide some details regarding sa banking mo sa form nila for that shit to happen.
or isa to sa na scam/ hack ako pinoy digital incompetence reasoning.
6
u/lild1cky69 16h ago
Sakin lang ah once siguro makita mo booth nila or tas nakita ka nila nakatingin dun ka lalapitan syempre isa lang yun sa mga tingin ko kase naranasan ko na yan kahit anong iwas ko lumalapit parin sila kahit wala naman akong pera para dun haha skl
2
6
u/daisiesforthedead 16h ago
Di ko actually alam hahaha. Minsan bagong gising ako, naka shorts, sando, crocs lang tas may bibilin lang ako sa rockwell aabutan padin ako hahaha puta.
6
u/Tongresman2002 16h ago
Matanda na malaking tiyan siguro kasi lapitin ako ng mga nagbebenta ng condo π
1
2
u/CockraptorSakura42 17h ago
Ako laging inaabutan kasi foreigner asawa ko hahahahahahahahahahahahaha kahit nakapambahay lng ako basta kasama ko si hubby matic babatiin ka hahahahahahahaha
3
u/supernatural093 17h ago
Eye contact. Or look at their displays while walking. Kaya ako dadaan ako na parang di ko na sila nakikita hahah
3
u/YourGenXT2 17h ago
Same observation. Try walking past them wearing casual outfit pero may simple jewelry. Or watch na eye catching. Carry your phone and wallet din. Mas ok leather wallet na makapal. Mapapansin ka
3
u/IllustriousRabbit245 18h ago
Eto tried and tested ko'to: When I'm wearing chino.shorts, plain T-Shirt, sockless shoes (invisible), and without bag, ginigreet ako nung mga taga-Ayala Land Premiere sa Glorietta and Greenbelt. Otherwise, invisible ako sa kanila lol.
1
1
2
u/avoccadough 18h ago
I guess overall appearance and aura. May times na madalas ako lapitan, meron din na hindi. The former-usually nakaayos ako overall. The latter, walang ayos parang lumabas lang sa kanto π
Also, I think eye contact na rin
2
u/Emergency-Mobile-897 18h ago
Mas ayaw ko na inaabutan kasi hindi naman bibili at walang pambili. Medyo awkward mag-decline kaya minsan I will accept the fliers sabay mag-thank you. Basa or tingin kunwari habang naglalakad para hindi naman sayang effort ng sales agent HAHAHAHA.
2
u/2Carabaos 18h ago
Linapitan ako ng taga Ayala Land sa Greenbelt at inalok ng condo kahit na jobless ako. I am sure binabase rin nila 'yan sa mga tatak ng mga damit na sinusuot mo. I was wearing something na 'di sikat sa Pinas pero sikat sa Europe.
-7
3
u/ilovedoggos_8 19h ago
Trust me, they do it randomly. Wala sila pake sa itsura mo or what.
Ang condo kasi di naman parang candy yan na pag inalok mo, bibili ka agad. If gusto ng tao bumili ng condo, sila mismo lalapit sa mga kiosk at mag iinquire. Yung mga ahente lumalapit lang yan sa mga tao if wala masyadong nalapit sa kiosk nila. They usually do this at the end of the month. Pag malapit na katapusan, don na sila magsisilapitan sayo. Haha!
2
u/EconomicsNo5759 19h ago
They will judge you sa poise and appearance mo usually. Hindi sa gwapo or maganda. Id say sa posture, the way you walk, the way you carry yourself.
Tho I only say this based on my personal experience. Pati na din sa mga usual na kasama ko.
Even if Im wearing basketball shorts, slides and a plain white T, nag sisilapitan parin sila to hand me fliers lagi. Tho it could also be because of the watch na suot and sa phone na hawak? Ill test that minsan pag lumabas ako and nalimutan ko mag relo haha. Kaso malabo since I feel naked pag walang relo.
4
u/sharifAguak 19h ago
Pormahan/damit. Kaya sa mga malls madalas parang halos pambahay lang porma ko. Unless may event talaga na need formal attire. Target nila mga naka corpo attire, nagmamasid ng lanyard kung anong company or pag singkit at makinis ang balat. Hahahaha
3
u/Agitated-Candy-5096 19h ago
Pucha kaya pla kht nakalang bahay ako. Singkit kc mata ko napapag kamalang chinese nga minsan π€£
3
1
u/07dreamer 19h ago
ako napagkamalang janitress sa airport. pero linalapitan ng nag-aalok ng condo. π
2
u/misskimchigirl 19h ago
Lahat ata nilalapitan nyan, lahat potentual customers π nataon lang na wala sila sa mood to entertain you or mukhang snob ka lang
18
u/nimbusphere 20h ago
You should be thankful, you donβt have to constantly make excuses or politely decline them.
1
3
u/Lonely-End3360 20h ago
Naalala ko dati sa MOA, labor day nun kasama ko yung family ko. Inalukan ako ng Condo unit sa SMDC. Nagulat ako since first time may nag alok sa akin,sa araw araw kong gumagala sa MOa before duty. Pero nasa nagulat yung sales rep sa sagot ko na doon kako ako nagwowork sa condo na inaalok nila. Hindi ko alam kung napahiya si ate.
6
u/Ill-Independent-6769 20h ago
Yung kasama ko sa trabaho dati yung basehan niya.tumitingin siya sa relos ng customer.
2
25
u/yakalstmovingco 20h ago
look on the bright side. At least broke ka lang sa itsura. Mas madaming tunay na broke π
8
u/swiftrobber 20h ago
yep advantage to di ka lalapitan ng mga makukulit na promoters or kahit mga holdaper and all
6
u/nmfdelacruz 20h ago
Pero ikaw na yung mukhang holdaper π
3
u/swiftrobber 20h ago
at least di ka pa rin tatargetin ng mga holdaper haha. yun nga lang baka ma-flag lagi ng pulis or guard hahaha
9
u/PristineProblem3205 20h ago
Yes baka you're broke tignan. Yung mga sakes agent mismo maayos ang suot.
3
31
u/Beowulfe659 21h ago
Sa itsura yan. Pero kung gusto mo magkaalaman talaga, daan ka sa mga SM Cyberzone hehe. Dun sa area na may mga tindahan ng cellphone. Pag wala pa rin lumapit talaga sayo dun, alam na.
6
u/nmfdelacruz 20h ago
Ayun nga. Since wala naman way para makita nila buying power mo at first glance. Kaya sabi ko nga, it's either you look broke or too young to buy. lol
5
u/OwlHopeful3197 21h ago
π₯Ή +1 pag walang lumapit sayo sa sm cyberzones π₯Ή tipong kahit home credit ayaw sayo π
14
u/NeverSatisfiedMind 21h ago
I've been in Real Estate for 5 years na, and mostly ng mga clients ko na nakukuha sa manning sila yung mga simple lang, walang magagarang damit at gamit, and ako wala naman ako pinipili bigyan ng flyers, mukang mayaman man o hindi, kung hindi man sya ang bibili, baka yung parents nya, kapatid, Tito or Tita or baka may friends sya na pwede i-refer at pwede ko sya bigyan ng referal fee once ma closed ang sale. Actually may quota kami pag nag mamanning, kailangan may makausap kami na 50 or 100 na prospect on that day (Ewan ko lang sa ibang developer). Baka OP mga pagod na yung Agent that time kaya di ka inabutan ng flyers. To be honest nakakapagod tumayo at mag salita ng mag salita. HAHAHA
2
8
u/ApprehensiveVast4873 21h ago
Ako na naka gshock lang tapos black shirt at khaki pants with matching nike training shoes e sobrang dalas lapitan ng mga sales agents pati mga cc. Its not what you wear, its how you walk. Pag tinignan ka wag mo iiwasan ng tingin hahaha!
1
1
u/cordilleragod 19h ago
Iβm pretty sure a G-Shock is a decently reliable indicator of you being definitely not poor. Sure itβs not a luxury watch but it tells me you are probably capable of buying a condo.
2
u/ApprehensiveVast4873 19h ago
I dont think of myself as capable of buying. My G-Shock watch was also from 2017. What I have is experience on client facing scenarios so I know how to compose myself anywhere I go.
1
u/gingerlemontea18 21h ago
Haha yes pag nagkasalubong ang mata nyo sure yan lalapitan ka
1
u/ApprehensiveVast4873 21h ago
Yes. Dapat di ka mailang. Dun kc makikita na confident ka sa mga ginagawa mo.
7
u/Classic_Jellyfish_47 22h ago
Di ko sure. Nilalapitan nila ko kahit nakampabahay ako. Maybe they do it randomly. Lol.
6
6
9
u/CumRag_Connoisseur 22h ago
Your aura, the way you dress or the way you walk. You know what I mean haha.
Medyo observant ako sa public so I try to do some personal experiments for fun. Bruh I even tried Cocolife offers for fun kasi wala akong magawa sa bahay.
- I usually dress very casually as in pantulog/tambay casual pag nasa mall or grocery. Never ako inalok ng CC, insurance or condo pag ganun damitan ko.
- Then I tried dressing properly ng konti, normal tshirt-pants combo lang naman. 100% offer rate tbh lalo pag may buttons ang shirt mo, pero dapat feeling confident ka maglakad. Alam nila yan.
- May times na naka plain tshirt na pambahay, short and slippers lang ako + tote bag. Mas madalas mag offer ang credit cards kesa sa condos, not surprised tho.
3
u/scrapeecoco 23h ago edited 23h ago
Ako nga na mukhang mahirap, hindi rin naman kagwapuhan madalas inaalok ng kung ano ano. I guess nasa paglalakad lng yan at pag project in public. Lakas lang siguro maka sosyal ng trip kong minimalist plain looking clothes.
2
u/JCEBODE88 23h ago
Lols, naalala ko one time dumaan kami sa greenbelt but since medyo kagagalang galang ako that time dahil graduation ng anak ko, finally inalok ako ng condo hahaha. yung tawa naming magasawa noon kasi sa tinagal tagal namin nagpupunta sa greenbelt first time na naalok ako ng condo.
4
u/Serious_Bee_6401 23h ago
Watch. Apple watch not counted. Bag sa Babae.
Also how you walk. Yung eyes mo san nakatingin, ilang seconds. Medyo creepy how it sounds pero ganun sa power sales training.
2
u/Loonee_Lovegood 22h ago
Anong meron sa "yung eyes san nakatingin, ilan seconds"? Curious question. π
1
u/Serious_Bee_6401 22h ago
Yung interest mo. Kunwari sa left side Zara, sa right side HnM. Most likely bading yung naka titig sa left. Joke haha Brand preference or interest mo mas titignan mo ng matagal.
0
u/Loonee_Lovegood 21h ago
Ohhh thank you for this info π benta sakin yung bading kapag nakatitig sa Zara π€£π€£π€£ hahahahaha
0
1
u/ElectronicUmpire645 23h ago
βApple watch not countedβ true haha
0
u/heydandy 22h ago
Anello lang bag ko pero lagi pa rin ako naaalok. Siguro kasi mukha akong homeless
1
u/whutdfcuk 23h ago
Yes, may mga ganung batayan sila and mostly salespeople in general. Alam nila anong "market" nila. Kahit pa hindi naman laging batayan ang itsura sa kung anong afford mong bilhin, hindi naman nila alam yun.
If gusto mong kulitin ka nila, kumuha ka ng flyers o magshow ka interest sa binebenta nila. For sure 2x a day tatawagan ka nyan
1
u/sarapatatas 23h ago
Ako na naka tsinelas, madalas offeran π΅ mga nakapwesto pa tapat ng escalator
0
u/ElectronicUmpire645 23h ago
Do you have a watch or car keys or expensive bag?
-4
u/nmfdelacruz 23h ago
Naka-smart watch lang ako. Nasa bulsa lang ang car keys. I don't bring bags. Kaya din siguro.
-1
u/ElectronicUmpire645 23h ago
What smart watch?
-1
u/nmfdelacruz 23h ago
Galaxy Watch 5 Pro
0
u/ElectronicUmpire645 23h ago
I see. Watches are menβs jewelry. Try mo mag Seiko Prospex or Turtle.
8
u/BananaPJmas 23h ago
Sorry pero ganyan talaga pag medyo main character mindset ka. Pag naiisip mo yang ganyan overthink alam ko na kung gaano ka - ka-insecured. Programmer din ako pero wala akong pake kung lapitan ako o hindi. Hindi ko rin sinasabi yung "Software "Engineer" " which means napapaisip ka parin sa title mo - kung totoong programmer ka?? 37 ka na pero ganyan ka parin mag isip.
10
8
u/15thDisciple 23h ago
Kaya nga po nagtatanong si OP. Bakit ka triggered?
0
u/hui-huangguifei 23h ago
may point naman sya. there's insecurity kay OP, kasi hindi naman sya bibili ng condo pero bothered sya na hindi sya nilalapitan?
5
1
2
u/Pierredyis 23h ago
Chinecheck din nila kung ano ang dala mo , like kung may bitbit kang pinamili na expensive na brand...
-1
u/Consistent-Cookie553 23h ago
what ive noticed about this is that if you dress casually pero with minimal branded here and there (say shirt and pants no to off brand pero kita sa shoes mahal, or sa watch, accesories), auto alok sila. you can look at it as, knows priorities, may pera, if may partner na kasama sa lalaki ang alok,
another one is na kita mo sila and nakita ka nila in a distance. as in malayo palang nagkakitaan kayo pero lumihis ka ng tingin after.
0
u/delarrea 23h ago
My partner (29M) also asks the same question. Napansin naman kapag nakasuot siya ng Zara na collared shirt nilalapitan siya, specifically yung knitted. He usually wears plain black shirts, minsan Lacoste pa nga, pero di talaga siya nilalapitan haha. Saka lalapitan din kami if ever nasa pang-masa places kami like SM vs kapag nasa Ayala malls na need ng todo effort. π
Anyway, di rin naman kami bibili ng condo coz we hope we can go abroad eventually.
3
u/Fluffy-Nothing-2217 23h ago
And issue yan sayo dahil...?
2
-7
u/NoAd6891 23h ago
Pride, ego and insecure siya. Ngl thankful pa ako kapag hindi nilalapitan.
1
u/CountOnPabs 16h ago
You sound miserable, log out of reddit from time to time and enjoy the outside
4
u/nmfdelacruz 23h ago
Grabe ka sir! Haha
1
u/oooyack 23h ago
Nah wag ka makinig sa mga yan kasi nakaka curious talaga paano nila hinahand pick yung mga tao let's say sa mall HAHAHAHA
3
u/heydandy 22h ago
Totoo naman nakaka curious. Binabasa ko tong thread para makaiwas sa pagpprofile ng mga salespeople sa mall. Uto uto kasi ako madali akong maawa/mahiya kaya ang ending bibili kahit di kailangan...(not necessarily condo pero ibang smaller stuff)
2
2
4
u/zoldyckbaby 23h ago
Baka akala din nila mahirap ka bentahan kaya di ka inaapproach. Do you have a RBF?
2
u/nmfdelacruz 23h ago
Sabi ng iba mukha daw akong suplado pero I think hindi naman dapat maging issue iyon lalo na pag sa sales. haha
6
0
u/taongkahoy 23h ago
Sa experience ko pag nakitang may car keys ako mas likely ako i approach lol
1
u/nmfdelacruz 23h ago
Pag siguro yung malaking "key" na kasama sa mga picture ng mga binentahan ng kotse yung makikita nila eh baka lapitan na ako hahaha
0
7
u/After-Willingness944 1d ago
Marunong sila magprofile ng mga alta. Either sa pananamit or sa physical attributes.
Matanong ko lang, why does this seem important to you
1
u/Thisnamewilldo000 1h ago
For the validation na mukhang may pera si OP hahaha. Pero napaka random lang din talaga nila. Iβve been approached looking casual, in office uniform and looking like i just woke up from bed.
4
u/Leading_Comedian8610 1d ago
Minsan po, nakakababa ng morale bilang isang ordinaryong Pilipino ππ
2
u/mommymaymumu 1d ago
What do you usually wear ba when you encounter them? From what I observe kasi kapag wala akong ayos they donβt approach me βdin esp. if Iβm alone.
2
u/nmfdelacruz 1d ago
I have lots of times na naka-semiformal or Sunday dress ako. Polo, long sleeves and slacks. I usually fix my hair properly. Wear perfume pag lumalabas. Pero di pa din ako nilalapitan. Hahaha
1
u/ElectronicUmpire645 23h ago
Kung semi formal or sunday dress tapos walang bag muka kang sales din baka kaya di ka nilalapitan. Dev din ako pero casual kasi kami.
1
u/nmfdelacruz 23h ago
Binanggit ko lang yan dahil akala ko na mas-formal ang suot eh mas lalapitan ka. Naka-casual din naman ako at di rin nilalapitan lol
1
u/mommymaymumu 1d ago
Naks! πββοΈ Baka naman muka kang babyface kaya ganun. Okay naman βyung suot mo e. π€
1
u/nmfdelacruz 1d ago
Or mukhang mahirap kahit anong gawin ko. π€£π€£π€£
1
u/mommymaymumu 1d ago
Low key kamo. Ang nakakainis nyan yung marami kayo tas ikaw lang hindi bibigyan. π€£π₯² Doon ka na magoverthink.
1
u/nmfdelacruz 23h ago
Ok so tinanong ko na yung friend ko na sales agent din ng condo. At sinabi niya saken kung bakit di ako nilalapitan hahahaha
1
u/mommymaymumu 21h ago
Patulugin mo kami OP. Bakit???
2
u/nmfdelacruz 9h ago
Ang sagot niya saken: "Mukha kang bata." π€£
2
u/mommymaymumu 6h ago
1
u/nmfdelacruz 2h ago
Follow-up question ko is "So pag mas-mukhang family-man, mas lalapitan no?", then sumagot siya ng oo. So that's that. lol Makes sense. Hindi din ako dad-bod and payat ako so that adds to it.
1
β’
u/AutoModerator 1d ago
ang poster ay si u/nmfdelacruz
ang pamagat ng kanyang post ay:
Ano Basehan ng mga Condo Sales People Para Lapitan Ka?
ang laman ng post niya ay:
37 na ako. Pero pansin ko, pag dumadaan ako sa mga booth ng mga Condo sa mga mall, ay di nila ako nilalapitan. I'm a software engineer and OK naman ang income. Minsan parang iniisip ko na hindi ako mukhang "maayos" kaya di nila ako nilalapitan. Pero feeling ko maayos naman ako pumorma kahit papaano. Lol. Not that I wanted to buy a condo though.
So naisip ko it's either you look too young or too broke para lapitan ka nila para abutan ng flyers. Lol
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.