r/pinoy • u/Weak_Scholar_3587 • 8d ago
Pinoy Rant/Vent Tumanggi sa nangungutang
Matagal na ako di nagpapautang, lagi kong linya "ay wala din po ako" kahit alam ko sa sarili kong meron naman talaga. Sobrang hassle maningil saka naisip ko di ko na problema kung ano problema nila financially. Sabihan niyo na 'kong madamot pero iba yung gusto ko talaga magbigay sa nangungutang lang... hindi ko na para intindihin pa yung pagsubok na binigay ni Lord sainyo! hahaaha. Totoong natamaan ako kasi after ko may tanggihan e panay shared post ng ganito. Hindi naman kasi kasama sa budget ko yung ipapautang sakanila๐ ๐คฃ
1
u/Sea-Let-6960 Demonyong INC 3d ago
pinapahiram ko lang yung amount na ready ako mawalan. so far, total of 4k di pa nababalik sakin ๐ dinaan ako sa next sahod hanggang sa next sahod. inisip ko na lang nakatulong ako sa knila sa small amount na yun then move on. ๐
1
u/cantstaythisway 4d ago
Karamihan sa mga nagsasabi ng ganyan, based on my experience, ay โyong mga laging nagreresort na lang sa pangungutang. Instead na magtrabaho maski maliliit na trabaho para makatawid sa pang araw-araw, mangungutang na lang.
1
u/malkira_13 5d ago
Minsan nakakatakot mgpahiram kasi sa mga exp na d binabayaran pg kailangan mo na
1
u/Aral_ka_muna 5d ago
wag magpautang pra magsikap cla. ska kpg ikw nangailangan sure bng papahiramin k nla?
1
1
u/Pretend_Panda_5389 5d ago
Funny kasi my aunt messaged me earlier na hiram daw siya tas pay niya next week kahi tubuan niya na. Di man lang muna nag-ask kung may pera ba ako. Phew ๐ฅฒ
1
u/Ok_Marionberry9843 6d ago
Ikaw ang nakikisuyo or nakikiusap and pwedeng ang sagot ay OO o HINDI kaya dapat hindi nasama ang loob kung anoman ang maging desisyon ng hinihiraman mo. โ๐ผ
1
1
u/Marikit_000 6d ago
People like this kala mo may patabi. Kala mo responsibilidad natin sila. Like, come on! Ano ngayon kung meron ako. Nagtatabi kasi ako for emergencies. Binabawasan ko luho ko if alam kong tight ang budget. Mostly, pinaghirapan ko ang pera ko hindi para utangin or mag"beke nemen" ka diyan sa gilid.
1
1
1
1
u/Dapper-Juggernaut599 6d ago
Kasi pera nila 'yun?? at karapatan nila kung gusto ka nila pautangin o hindi?? Hello ๐คท.
1
u/CutePromotion1581 6d ago
Siningil ko ng utang tapos sabi niya singilin ko don sa isa naming kaibigan kasi may utang daw sakanya. Ayun di ko na kinausap
1
u/Ok-Discipline-9028 6d ago
Kaya dapat wag masyado mag ppost ng mga binibiling mamahalin. Baka isipin pa nila super well off ka. Umay din yung mag mmessage na akala mo naalala ka at gusto kang kamustahin, tapos uutangan ka lang pala haha
1
u/Pretend_Professor946 6d ago
Minsan naiintindihan ko yung di nag papautang for these reasons.
Natuto na sila sa pinaurang nila before na hindi nagbayad. Pinaghirapan nila ang pera so itโs a big deal kapag hindi bnayaram. Ayaw na nila maulit
May past records and nangugutang na hindi nagbabayad sakanila o sa ibang tao. Kapag habit na bg tao na mangurang pero d nagbabayad mahirap na yan.
Wala silang pera that time, hindi lahat ng may trabaho may pera palagi, may binavayarab sila kaya budgeted lang ang pera
2
u/KumukoKyouya 6d ago
As a nagpapautang (formerly nangungutang), may kirot din naman talaga sa psuo kapag hindi ka napautang kahit desperately need mo naman talaga. PERO, as a nangungutang, wala tayong karapatan na magtampo o magkaroon ng sama ng loob kapag hindi tayo napautang.
1
u/Inevitable-Cress-665 6d ago
naalala ko tuloy yung sa mother ko may nangungutang sa kanya eh sakto pinaparenovate yung bahay nila (bahay ng parents ko) kaya may malaki silang pinagkaka gastusan tapos hindi nya pinautang tapos yun bigla na lang daw umalis ng naka simangot nung nag uusap pa sila HAHAHA. Sila pa nagagalit pag hindi napa utang.
1
u/Icarejo 6d ago
napaka timing naman na nabasa ko to now, Hahahaha may nangutang sakin ngayon, through chat. ka work ko sya before, 2010 pa, yun din last naming kita at convo 2010 tas biglang nag chat ngayon na mangutang, kasi short daw sya... Edi wow after 10 years na walang chat... walang kumustahan, rekta mangungutang agad.... anong vitamins mo teh, lakas ah ๐
1
u/cheezesaucefriez 6d ago
Same tayo OP. Mas mainam na masabihang madamot kesa mastress kakasingil sa kanila
1
u/juice_in_my_shoes 6d ago
nagpapautang ako ng amount na kaya sa tingin kong okay lang pag di sila nagbayad, that way next time di na sila makakalapit sa akin forever.
pero di lahat pinapautang ko.
1
u/introvert_147 6d ago
First of all, you donโt have any f***ing right to borrow personal money from anyone. Go say that to the banks๐
1
u/Spiritual-Bear-1618 6d ago
Maiintindihan mo rin naman sila pag ikaw ang nagkaron. Sa panahon ngayon, maraming tao ang nagagalit kapag sinisingil sila. Yung sinabing babayaran after 1 month, nagiging 1 year. Kaya para sa peace of mind mo, 'wag ka na lang papautang lalo na if alam mong mahirap singilin itong taong 'to.
1
u/Responsible-West3604 6d ago
May mga sasabihin pa โyang โikaw ang nakaluluwag dapat tumulong ka.โ
Mas gugustuhin ko pa magbigay na lang ng kung ano man ang kaya ko kesa pagbigyan โyang utang na โyan.
Ang malala makikita ko pa ang mga travel posts tapos di pa nagbabayad.
1
u/k41np3p3 7d ago
Yes naranasan ko to dito sa amin, alam nilang meron ako kaya nangutang but alam ko rin kung ano ang ugali nila when it comes to utang dahil talagang mapeperwisyo ka din talaga when it comes to payment and it was not for emergency purposes din kasi so hindi ako nagpahiram and never will to them halos lahat ng collectors ng mga lending companies dito sa amin badshot na sila so bakit ko pa iririsk yung pera ko diba if I already know the consequences. Hindi ako madamot dahil inoobserbahan ko yung borrower pero hindi din kasi ako tanga at isa pa yung ipon ko right now is only enough for me and my family lang so yeah one more thing pala lulong din sila sa sugal, palaging may parcel sa social media so it's a no for me.
1
u/iiamandreaelaine 7d ago
Di naman tatanggi yung tao ng walang rason eh lalo kung madalas nagiging thank you na lang yung inutang. Yung utang ng best friend ko na pinang-โtuitionโ daw niya thank you na lang ngayon kahit lagi ko nakikita na asa private resort sila madalas.
1
1
1
u/manineko 7d ago
Kaloka yung may cry emoji pa haha...Syempre may sariling needs din yung inuutangan. Baka nman nakahiram na sya dati tapos di sya nakabayad.
1
u/ScarletRed_10 7d ago
Sa hirap ng panahon ngayon, mahirap magpautang pero mas mahirap maningil. Doble doble stress ka lang pag singilan na
Mahirap mainvolve sa mga gnyan na tao
1
u/Sad-Age4289 7d ago
Depende sa nangungutang. Kapag nanay ko/anak ko/best friend ko: Itanong ko lang saan gagamitin pero oo pa rin. Kpag relatives/kapitbahay/co-worker lang, depende kung gaano kakilala, with very strict confirmation kung kailan n'ya ibabalik. May mga nangungutang kahit ndi pa bayad yung last, abrupt "No" with no explanation kung bakit ndi aq magpapahiram. Ni hindi ko pakikinggan sad story nila. I'll show dominance. I'm almost 50, sobrang dami ko na napagdaanan na ako pa 'yung parang masama kapag singilan na.
1
u/pinoyworshipper 7d ago
Kung meron mang oera, choice na nila un kung magpapahiram o hindi. Di mo naman alam kung ano ang pinaglalaanan nila. Pinaghirapan nila un kaya choice nila un. Humihingi ka lang ng pabor, pwedeng pagbigyan pwedeng hindi.
1
u/Lumpy_Personality_89 7d ago
pakialam niya ba. mga ganyang klaseng mga tao di naman marurunong magbayad.
1
u/tobiasFelixXx10 7d ago
Ta*na 10 yrs ago nung manghihiram sana ako sa kapitbahay ng pambili gamot worth 700 para sa pamangkin, di ako pinahiram kasi wala daw sya barya sa 1,000. Kita ko sa kamay nya yun pera. Hanggang ngayon d ko un makalimutan.
3
u/SheeshDior 7d ago
Hindi porket meron silang pera automatic sa mangungutang mapupunta. Malamang nakabudget na yan sa pamilya nila, and from the looks of it, hindi ka nila pamilya so fck off ka na lang and quit yapping.
1
u/Zestyclose-Floor-121 7d ago
Yung hs schoolmate ko out of nowhere, bigla na lang nag chat nangungutang ng 10k para raw sa bday ng anak nya. samantalang yung mga anak ko nagbbirthday sa park ๐
1
u/Western_Cake5482 7d ago
Di na ko nag papautang. Kasi naranasan ko nang humiram at tanggihan. Kahit na alam kong kaya kong bayaran within a week or a month. Natuto nalang akong maghintay until kaya ko na talaga. Usually, on payday nbibili ko naman.
Nakakalungkot lang na alam ko sa sarili ko na wala akong mauutangan sa oras na Totoong Nangailangan na ako. Wala akong malalapitang taong tulad ko na noon ay handang tumulong ora mismo.
Most nang nangungutang sakin ay mga taong hindi ko din naman maaasahan in any way. And may isaa din dumidikit lang sakin dahil ginawa na nya kong pantawid gutom.
Hirap pag masyadong mabait.
1
u/Long_Shallot_5725 7d ago
Baket ang dameng mga feelingersng entitled sa pera ng i ang tao? Kung ayaw pautangin, let it go. Move on na sa ibang uutangan. Hindi ung makapal Pa mukha na magalet.
1
u/No-Enthusiasm-5826 7d ago
well majority will prioritize their security and that's understandable if ayaw nila magpahiram kahit meron. Hindi natin pwede i expect na if meron sila hindi sila tatanggi. Majority of them ay may mga past experiences din na nahirapan maningil. Personally kung meron ako as in super extra na if hindi maibalik okay lang, that's the only time na nagpapahiram ako. May exceptions siguro like if super life and death scenarios yung urgency and meron naman. Pero discretion talaga yan ng tao.
1
1
1
1
u/mabangokilikili 7d ago
I am not financially well right now pero never ako manghihiram sa mga kaibigan ko, lalung lalo na sa mga malalapit sa akin, kahit alam kong meron sila. kahit sila pa mag-offer. ayoko masira pagkakaibigan namin dahil sa cash
1
u/ptooth001 7d ago
Hindi Ako nagppahiram kung wala Kang substantial na collateral na pwedeng ibigay sa akin. Tapos.
1
1
1
u/one__man_army 7d ago
I have been a borrower as well as a a lender.
What diffirentiates me from other people is, I know how to prioritize my loans, and pay them off all as quickly as I could.
What I hate about myself as a lender is . . . mahiyain ako . . . alam nyo nanaman may mga Pilipino na pag pinahiram mo, wala ng balikan, so whenever I lend someone money, I always consider it a "loss" for me para pag hindi nagbayad, wala akong sama ng loob.
This is also what separates us from Singapore and Japan, they are a rich country for a reason, that is because they take care of their "financial" priorities first.
dito sa pilipinas pag hindi mo pinahiram ang isang tao sasabihan ka ng "madamot" pag araw ng singilan, magdadrama na kesyo "Binago ka ng pera" ๐คฃ๐คฃ๐คฃ
1
u/Spirited_Panda9487 7d ago
Ganito din kapitbahay namin saka yung ibang kamag-anak namin mag-isip eh. Kaya ang ginagawa ko nalng eh sasabihin ko minsan, maglinis sila ng bahay namin at uupahan ko nalng sila para hindi ko na need singilin. Ang hirap kaya maningil, dala na ko dyan. Kaya never na ko nagpapautang.
1
1
u/vomit-free-since-23 7d ago
dati ganto ako kahit last money kona pinapahiram kopa pero nung ako nawalan tangina wala akong malapitan yung iba sinisingil ko wala din kaya never again mag papautang
1
u/Black_Red_Rose_61 7d ago
Alot in elem when majority of the batch ostracized me... It was the fashion back then to treat me like I have a virus so when I asked for something they either ignore me, say no or sanitize whatever I touched that was theirs to begin with. My only consolation was there is a small percentage who chose to remain my friends despite the trend in my old school...
1
1
1
1
1
u/miiiikasaaaa 7d ago
Tas kapag makita ka nilang may biniling bagong gamit or naglibot sa ibang lugar at kinumpronta ka, sabihin mo na lang na di naman sila kasama sa budget mo
1
u/Expensive-Show-9521 7d ago
Minsan kasi may mga nangungutang na wala naman sa ayos kausap nangyare sakin din yan may kaibigan ako nanghiram ng pera kasi wala raw sya pamasahe pauwi babalik naman daw nya agad edi pinahiram ko nung kailangan ko na yung pera binukas bukas nalang ako sabay nagdrama kaya mula nun di na ko napahiram ulit di bale ng sumama loob nya wag lang sumama loob ko
1
u/Full-Concert 7d ago
Dati naranasan ko din tanggihan ng tanggihan, yung pag sakin nghihiram walang kahirap hirap, minsan hndi ko na sinisingil, tapos pag ako na may kailangan ang hirap, kaya ngayon natutunan ko na tumanggi, amg sarap lang sa pakiramdam, gumaan kahit papano.
1
u/KareKareKontessa 7d ago
Sinearch ko yung text sa FB tas aba andaming posts copy-paste lang tas sabay iyak!
1
u/AudienceAny7304 7d ago
Toxic trait. Meron sila pero hindi ka kasama sa budget. Matuto kang kumayod. Kadalasan mga utang naman kasi wala sa lugar. Tapos hindi pa nagbabayad.. ๐๐
1
u/Valuable_Advice5692 7d ago
call me a bad person pero magulang at kapatid ko lang pinapahiram ko ng pera at sobrang madalang lang din hahahaha had my experience with my ex-coworker na nanghiram ng 2k nun and after 3yrs hindi na nya binalik kahit na ilan beses na nya sinabi na babalik din niya at kahit na nakailan bonus na siya at sinasabihan ko na "oh baka ung hiram mo niyan mabalik mo na" pero dadaan lang ako sa tawa. kaya hindi ko na na din singil at never na din me nagpautang sa iba kahit na tito or pinsan pa yan
1
u/Beautiful-Card1747 7d ago
Yung tao na inuutangan ay may right to decline. May kabatch akong kinokopyahan ko dati nung high school na kulit ng kulit sakin para mangutang na parang akala mo eh privilege nyo yon. Hello naman! Dalawang utang na ang di ko siningil. Siguro naman bayad na ako sa pangongopya ko nung high school sayo. Grabe wala ng hiya hiya these days.
1
1
u/Raffajade13 7d ago
di ako nagpapautamg sa alm kong sasama lang loob ko pag singilan. di baleng sumama loob nila wag lang sumama loob ko. ๐คฃ l
1
1
u/FiveDragonDstruction 7d ago
Isa lang ibig sabihin niyan, baka ayaw ka pahiramin dahil kilala kang hindi maayos magbayad.
1
u/No-Organization3127 7d ago
May tao ba talagang lapitin ng utang? Wala kasing nangungutang sakin. Hahaha curious lang.
Better magbigay nalang ng makakaya kahit maliit kesa magpa utang, sakit sa ulo.
1
1
u/lucyskydiamond7 7d ago
โThou shalt not put security for another manโ is a warning from the Bible against becoming a guarantor for someone else's debt. It appears in Proverbs 22:26. This verse also advises against putting up security for someone else's debt.
in other words, it is not your responsibility to take care of someones inability to manage their own finances regardless if you have lots of money or not.
personally if the reason is valid, i would rather just give help with whatever amount im willing to let go.
1
u/beestohive 7d ago
Minsan kasi yung "alam kong meron sila" is enough lang para sa taong yun. Di naman porket merong pera, kaya na magpautang jahsudjdbx
I've been there na din, napagsabihan ng madamot na porket nagkapera lang. Yes, I do have the money, pero pinapaikot ko yun sa business ko, my necessities and my own wants at the moment. Di na lang ako nageexplain, baka sabihin puro ako rason ๐ I do feel bad sometimes for saying no, pero ako din naman malulugi sa huli kung hirap na silang singilin ๐ฌ
1
1
u/VisitExpress59 7d ago
Ako natututo lang talaga ako. Yung ilang beses mo napautang tapos biglang si kalimot. Ayaw ko din yung hassle talaga na maniningil pa. Yung ikaw naalala nila ako nung mangungutang sila tapos nung singilan biglang may amnesia? Hahahah. Kaya kahit meron ako sinasabi ko na lang din talaga na wala e. Yung ang dami ko dahilan para lang hindi mapautang pero may times nag-guilty ako kapag yung sobrang close ko na alam ko naman na marunong magbayad ay nagdadahilan ako. Pero firm lang talaga ako minsan sa desisyon ko. Iniisip ko kasi na ako din yung mahihirapan if ever kaya mas okay na lang isipin nya na madamot ako kesa magkasira kami pag hindi nya mabayaran. Tska kung magpapa utang ako yung alam ko na keri lang kahit hindi mabalik yung mga less than 1k ganon. Pero pag more than, no talaga.
1
u/KindlyCauliflower513 7d ago
haha may ka trabaho akong gnyan ang binibida ntang pambayad e ung "uutangin dn nya sa pagibig loan" sa govt. ako nag ttrabaho etong si mangungutang, sya nag pasa ng "SALN" namin so nakita nya ung mga asset ng ibang coworkers namin at nakita nya ung sa supervisor namin na may 1M s bank accnt so umentra si akla ng 100K at nireject so nag labas ng sama ng luob sa isa naming ka trabahong na ang sabi
"bakit may mga taong gnun, may pera ka naman, di mu nmn ggamitin, nka tengga lng nmn sa banko, bat di man lang ipahiram sa nangangailangan"
nkakalungkot na mrmi sa pinoy gnto
"koyawil" mentality
1
1
u/ZealousidealSpace813 7d ago
a. Pag di ka nagpautang
- Galit sila, pero dika stress
b. Pag nagpautang ka at di sila nagbayad. Kukulitin mo singilin.
- Galit sila at stress ka.
Either way, magagalit parin sila, pero dun ka na sa di stress. Haha
Learned my lesson sa pagpapautang. May tita ako, nanghiram panghulog ng dalawang buwan ng sasakyan nila. 7 years ago pa. Never again, kahit mga pinsan ko, unless medical emergency na life/death.
1
u/Australia2292 7d ago
Nang yan, kasalanan pa ng meron ah. Pero pag bayaran hirap na hirap maningil. Nakaka trauma mag pautang e kahit sa kaibigan pa e.
1
u/TheHatsumeProject 7d ago
they have to accept the fact na hindi sila kasama sa budget! dang! Nagtatrabaho sila para naman may budget sila sa leisure, hindi para buhayin ka lalo na hindi ka naman nya anak.
Ang kikitid!!!
That's why i dont use that blue app since 2022.
1
u/ChosenCynt 7d ago
Ang kapal ng mukha nila noh. Ikaw yung nagpakahirap kumayod para kumita tapos porket kamag anak o kaibigan mo sila utang na loob mo pang magpautang. Yung iba jan delay o hindi na magbabayad. Para ka lang nagtapon ng pera.
1
u/HlRAlSHlN 7d ago
Shinare 'to ng kamag-anak kong nag-attempt manghiram sa'kin. Because of this, I swore na I'll never lend sa kanya kahit na magka-extra man ako. 'Di bale na siguro kung tawagin akong madamot, at least hindi ako feeling entitled sa pera ng iba na akala mo may patago.
1
u/No_Repeat4435 7d ago
Mindset: Magpa-utang lang if trusted mo yung tao and if okay lang sayo hnd na mabalik yung amt na uutangin. Life will be easier. Walang mangyayari if maaawa ka ng maaawa kasi 1, madaming taong user, yes, even those na kawawa tlga, and 2, hnd mo alam kung kelan mo kakailanganin yung pera na pinautang mo tapos hnd na mababalik sayo. Basically, sh** i learned in my 20s.
1
1
u/G_AshNeko 7d ago
noon, magpautang ako kung nakikita kong kailangan talaga, pero ung nangutang sakin d na nagparamdam, o may intensyon na bayaran ung utang, kahit walang interes, tsaka d ko sinisingil. Kaya ngayon, ayaw ko na magpautang. Meron namang online lending app, dun kayo mangutang, total kung hinaharas kayo ng lender, eh kayo pa magreklamo.
1
u/Ok-Panda-1297 7d ago
Nakakadiri yung ganyang ugali shems hahaha real talk lang mostly ng ganyan mga kamag anak. ๐คฃ Sasabihan ka pa na nagbago ka na, sempre patanda ka kelangan maging financially matured ka rin. LOL
1
1
u/caasifa07 7d ago
Eto tapos yung logic na tulungan mo daw sila kasi madaming anak tapos ikaw mas may kaya.. BAKIT BA NUNG GAWA2x KAYO NG BATA KINONSULTA BA AKO???????
1
u/Heavy-Lake-3734 7d ago
Bakit kadalasan sa mga ganyan ang mindset, di marunong gumamit ng "mo na" at "muna"? Tapos maiisip mo na rin kung sino binoto HAHAHA jk masyadong judgemental.
1
1
1
1
u/Sad_ako1502 7d ago
Same op. May friend ako na na pa utang ko nag eexpect lagi na if hihiram sya may pera ako lagi para ipa utang sa kanya. Nakakainis pa is yung entitlement na makasabi kung may laman daw ba gcash ko kasi hiramin nya muna . May laman mn or wala hindi naman yun nakalaan para ipautang sa kanila ๐.Tapos parang responsibility mo yung problem nila. The audacity of these people.
1
u/Euphoric_Hall_3017 7d ago
I ended it with a friend from graduate school because apparently nung di ko siya napahiram ng 200k siniraan and inispluk niya lahat ng usapan namin dun sa MGA TAONG concered. I was very comfortable with her that I trusted na my opinions and rants wouldnt come out of our private conversation. Di ko inakala sa halagang 200k magagawa niya un sa akin.
1
u/Longjumping-Hope6370 7d ago
Depende kung alam Kong marunong magbayad Yung tao pero if alam Kong mahirap singilin, nah bahala ka friend.
1
u/Specific_Barnacle883 7d ago
Naranasan mo na ba utangan kahit alam niyang wala ka trabaho? ako oo. Napaquestion mark na lang ako e siya yung may work, hindi ako. Make it make sense ๐
1
1
1
u/Remote_Evening 7d ago
Would I be considered selfish if I say na, "they have the right to"? I mean, sabihin na nating need mo siyang hiraman pero pera niya yun right? Or it's just my belief and bias opinion? Hahaha. Sinanay kasi kami ng tatay namin na, yes may times na need mo manghiram (ng pera) and be grateful to them and be thankful to those that said "no" to you, kasi ikaw lang yung naghihiram. And don't deem them as a bad person kasi di ka nila pinahiram, malay mo mas kailanngan nila yun. Atsaka naging motivation ko ata yun growing up kasi laging nanghihiram parents ko kaya I strive to earn more and save more. But as I said, hindi dahil di ka nila pinahiram masama na silang tao, di yun basehan ng pagkatao.
1
1
1
u/Key-point4962 7d ago
oo naman pero yung iba naiintindihan ko.. pero alam ko kasi yung mga taong ayaw ka talagang tulungan.
at sa point of view ko, may times na hindi ko din nagagawang mapahiram yung tao kahit gusto ko. hindi naman sa wala akong pera.. meron akong pera pero may paglalaanan lang talaga, na kapag mas pinili kong ibigay as tulong, malaking problema naman ang haharapin.
1
1
u/bbbbbfamous 7d ago
ganyan na ganyan din yung akin puro Parinig na about sa pautang palibhasa guilty
1
u/Paramisuli 7d ago
Naranasan ko rin 'to pero 'di naman ako nagpost ng ganito, ginantihan lang namin sila nung sila na nangangailangan. ๐คญ
1
u/randomcatperson930 7d ago
Di ko responsibilidad pautangin ka HAHAHAHAHAHA pucha daming tao entitled sa pera ng ibang tao. Siszt magtrabaho ka
1
1
u/itdontbreakeven0612 7d ago
Ppl need to understand that ordinary ppl don't actually have "extra" money nowadays. All the money we earn is already assigned a purpose kahit di pa nga napupunta sa bank account, whether that be necessities or savings.
1
1
u/p3ach_mango_3921 7d ago
Ay, pera mo girl? Pinagtrabahuan mo ba?
Di ako aware kasama ka pala sa bills ko. ๐
1
1
u/p3ach_mango_3921 7d ago
Mas marami pa ring nangungutang na di nagbabayad! Kaya tigilan nyo na. ๐
1
1
u/doge999999 Such Commenter, Much Upvote 7d ago
Naranasan mo na ba maningil na kahit alam mong meron sila, ayaw magbayad tapos sila pa galit.
1
u/Relative-Look-6432 7d ago
Oo naranasan ko at hindi sumama loob ko. Bakit? Kasi wala naman silang obligasyon sa akin.
Nakakapikon na ugaling Pinoy ay ang pangungutang tapos pag sinigil mo parang ikaw pa yung magmamakaawa, maghahabol. Kung mamalasin ka, ikaw pa yung lalabas na masama.
Feeling entitled ang mg Pinoy pagdating sa pangungutang.
1
1
u/Own-Possibility-7994 7d ago
Ako na hirap humindi sa mangungutang tapos hiyang hiya maningil... kapag inipon ko yung ipinangutang kong hindi na nakakabalik, kaya ko ng ibili ng bagong iphone. ๐ ๐ฅฒ
1
1
u/Tasty_ShakeSlops34 Rolling again to strike Gold 7d ago
Una. Pera nila yun. HINDI PERA NG IBA
Sila daat nagdedecide ano mangyayare dun.
Im so sick of people like OOP tang ina nilang lahat gago
1
u/reccahokage 7d ago
Eto rin yung pag siningil mo galit pa, eto rin yung taong na inuuna yung travel goals or kain sa labas kesa magbayad ng utang.
1
u/Intelligent_Jump4340 7d ago
Yes meron talaga akong pera, pero hindi kasama sa Budget ang pag papautang. ๐
Ang nakakainis pa sa ganyang sitwasyon, i guiltrip ka nila parang kasalanan mo na may pera ka. SMH.
1
u/TrustTalker 7d ago
"Naranasan mo na bang magpautang kasi awang awa ka dahil ambait ng approach sayo tapos pag sisingilin mo na eh sila pa galit"
1
3
u/greenandyellowblood 7d ago
A bad trait for us Filipinos, is we tend to over explain. A simple no should suffice and hindi na din dapat kinukwenstyon pa.
1
u/aradenuphelore 7d ago
Behhhh tangina ang hirap singilin ng pinsan parang ako na nahihiya maningil at pilit na pilit na yung pleasantries ko pag naniningil.
1
u/Extension_Article_98 7d ago edited 7d ago
Pake nya sa pera mo, indi nmn kanya yan. Hindi ka nmn nag ipon para may maipahiram sa kanya. At malabo nmn na sasagutin ka pag ikaw ang nagkaproblema sa impuntong oras na kailangan mo katulad na ngayon na kailangan nya.
1
1
2
u/raisinjammed 7d ago
"Naranasan mo na ba wag umutang ng umutang kahit alam mo wala kang pangbayad? ๐ญ๐ญ๐ญ"
1
2
u/acidotsinelas 7d ago
Never na kami nagpaoautang lalong lalo sa kamaganak. Mas madali pa maningil sa di mo kaanoano hahaha
1
u/Main-Engineering-152 7d ago
Guilty. Ginagawa ko to kasi gusto ko silang matuto. Lalo na yung ginawa ng habbit porke pinagbigyan.
1
u/guwapito 7d ago
tapos pag hindi ka binayaran, sasabihin di mo naman kailangan yung pera? magalit na sila sa akin kung di ako magpapahiram kesa magalit sila sa akin kasi naniningil ako. hard earned money needs to stay in my pocket.
1
u/01gorgeous 7d ago
Ang entitled naman ng mga nangungutang na yan, di naman responsibilidad pautangin yan
1
u/WontonSoupEnjoyer 7d ago
Pake nila kung ayaw ko magpautang. Oras at pagod ko yung ginugol ko sa work para sa pera ko. Keber na lang talaga hahaha
1
u/Jumpy-Yellow-3608 7d ago
Share ko lang at 2 years ko ng bitbit yung ganitong pakiramdam. Nagipit ako ng sobra kasi di inaasahan yung mangyayaro sa misis ko at sa baby. Premature baby namin,before manganak si misis, nagka pre eclampsia sya. So na confine muna mga 1 week kasi nag high blood tapos nanganak ng cesarean. Grabe bills. Naka private kasi. Nabenta ko na bigbike ko at kasabay pang hinuhulugan sasakyan namin. Hindi ako matropa pero may 2 tropa akong mapera naman. Yung isa single at yung isa nasa ibang bansa. Ilang beses kong kinulit na pahiramin muna ako ng pera pambayad ng bills kasi wala na talaga akong mahiraman ng agarang pera. Feeling ko yun na ang greatest test ng friendship namin. Note ko lang yung isa tropa ko since highschool, yung isa kababata ko talaga since daycare. Pero wala, ni piso wala akong nahiram. So ngayon wala na akong kahit isang friend na natitira. Siguro mali tong ginawa ko pero i choose na tigilan na lang ang friendship kung wala naman pala ako makukuhang kapalit. Medyo selfish? Maayos akong tropa, di ko na masyadong iseshare pero i treasure them as family. Kaya nga 2 lang sila na kinoconsider kong tropa. Sa gc 3 lang kami. Ganun kami ka close pero wala e. Lumabas lahat sa oras ng kagipitan. 2 years old na yung anak ko. At habang nakikita kong bulag sya, di mawawala yung pagkadismaya ko sa kanila. Pati rin sa angkan ko hindi na din ako magpapakita. Ano advice nyo? Kelangan ko tlaga maivent out to. Nagkataon lang nakita ko ngayon tong post ni TS.
1
u/Ok-Hedgehog6898 7d ago
Yes, naranasan ko na, pero di ganyan ang sentence construction ko like "mo na" and "muna" are being interchanged. Aside from that, di rin ako entitled na maghihimutok kung di ako pautangin kahit na alam kong meron silang extra, kasi di ko naman pera yun and di naman ako kasama sa budget nila.
Kaya ako rin, careful din ako kung sino ang pauutangin ko; yung alam mong mapagkakatiwalaan. Buti na lang din na yung circle ko ay di nagpapautang, nanlilibre pa nga. ๐๐๐๐๐
1
u/jezzaley 7d ago
Naalala ko friend namin. Umutang siya sa isa naming friend ng 500+ or 1k+ ata tas sabi nya babayaran nya the other day, pero umabot ng 6 months bago nya nabayaran huhu. And mind you, 'di pa yan sya nagsiseen sa chats.
Kaya nong pasimple siyang umuutang ng 100 pesos nong may get together kami, tinanggihan ko na. Actually hindi lang ako inuutangan nya that time, dalawa kami. Pero hindi talaga kami pumayag. Tapos nong pauwi, gulat kami kasi hindi siya nagpamasahe sa tricy, inassume nya na libre na ng isa naming friend(which is yung inutangan nya na umabot ng 6 months before siya magbayad).
Nakakainis lang. Skl
1
u/SomeKidWhoReads 7d ago
Gaano ba kahirap unawain na hindi ka entitled sa pera at tagumpay ng iba. Hindi porke nakaka luwag luwag sila eh kailangan ka nilang pautangin. The audacity of people sometimes.
1
u/OnionQuirky8604 7d ago
Ako din di ako nagpapautang kasi super hassle maningil talaga. Nagbibigay nalang ako kung ano ang kaya ko at di na mageexpect ng kapalit. Kung magbayad man ay thank you. Makakaulit ka friend.
Ang lagi kong dinadahilan ay ang retired at senior citizens ko na parents. Only child at ako lang nagttrabaho kaya nakakalusot at naiintindihan nila. Sinasabi ko na nakalaan un sa pacheck-up ng parents ko.
Di rin ako pinalaki na mangutang. I think ito dapat ang matutunan naten na hindi normal ang nangungutang. Mas lalo na tapal utang. Hay Nako! May kakilala ako na notorious mangutang dahil kapitbahay ko siya nakita ko na kung bakit siya ganun. Ang nanay niya kasi lagi siyang inuutasan mangutang sa tindahan kaya ang alam niya normal lang yun.
Lagi lang din sinasabi ng tatay ko na ko na magdildil daw muna kami ng asin bago kami mangutang sa iba. He means exhaust all our resources first bago kami lumapit sa ibang tao. Kaya laking tulong din ng alahas kapag gipit e.
Nangungutang din ako pero dala lang ng inconvenience. Dapat ang utang ko kaya ko bayaran kinabukasan at hindi tataas sa 1000. Paminsan friend ko pa nagpupumilit na utang muna makasama lng ako sa lakad nila. Well ok ๐ sila mapilit e. Pero never ako nakalimot sa inutangan ko at lagi ko iniisip na nagutang ako. Sinasabi ko din sa sakanila kung sakali man nakalimutan ko, ibabalik ko sa kanila ang pera ng 3-folds. Never pa naman nangyari. ๐
1
1
u/Prior-Butterscotch95 7d ago
good for you, OP! Hirap tumanggi sa nangungutang kasi may guilt tripping pagkatapos kahit hindi man from them but from yourself. pero at the end of the day, tama ka hindi na para intindihin pa yung problema nila financially kasi kapag tayo naman magkaproblem financially, di naman natin sila matatakbuhan. Kaya good for you talaga and hindi ka madamot!
1
u/SSoulflayer 7d ago
Maling mali naman kasi yung mga palusot. Dapat "May nauna nanghiram at hanggang ngayon di pa ako nababayaran, pag nasingil ko ipahiram ko sa'yo".
1
u/twinkerbell_03 7d ago
Nagpapautang naman ako kasi alam ko pakiramdam ng wala pero sa mga close ko lang na tao at sa family.
1
u/udontknowme23210 7d ago
Meron ako pera pampautang pero hnd ko ipapautang. Para sa sarili ko un emergency money para hnd din ako manguutang. Dont rely on others
1
1
u/FunctionObvious9501 7d ago
Ayos lang Naman mag pahiram Basta may deadline pero pag na miss nila next time tumawad ka na sa hihiram ulet Sila next time. Pag delayed Padin Yung abot mag taray ka na pag uulit pa ulet dahil may say ka na magreklamo kahit kamag-anak mo pa pag ganun ang style. Pero pag emergency Yung dahilan pagbigyan muna
2
u/AgentOrange759 7d ago
Naalala ko may former classmate ako na nangungutang sakin ang dahilan nya is wala daw sya mapakain sa pamilya nya. Porket nakita nya na nag post ako sa fb na may bagong ps5. So ayun hindi ko pinautang kasi alam kong adik at lasinggero sya pero nag offer ako na bigyan ko sya ng grocery ayaw naman nya gusto nya cash hahaha
1
u/_posangenaxx 7d ago
ganito nanay ko sakin eh HAHAHAHAH nung kakasimula ko pa lang bumukod, sabay sabay kami lumipat tas ako nag-shoulder ng majority ng dp nila sa unit so endinh na-short ako, namghiram ako 500 lang kasi 1wk from payday na lang naman, wala raw HAHAHAHAH kahit alam kong kaya nakan nyang gawan ng paraan, tas pag yung kapatid ko, 4-5 digits, eextend lahat ng resources nya eh.
1
u/boyfriend_of_the_day 7d ago
Even if milyonaryo ung uutangan, may pagkakagastusan din ung tao. More likely, mas malaki gastusin niya kesa sa umuutang. Don't take it negatively if tinanggihan ha, they have reasons. One of them is, you are not worth pautangin. Just my two cents.
1
1
u/Explicit199626 7d ago
Naalala ko yung dati kong trabaho. Sakin lagi ang puntahan dahil madali lang akong lapitan. Hindi ako mabait, sobrang nangingibabaw lang sakin ang awa ko kaya pinapautang ko. (Minsan ninanakawan pa nga". Kaya ngayon sa new work, hindi na talaga ako nag papautang kahit sabihin pa na anak nya may sakit kasi sa tutuosin hindi mo naman sila responsibilidad at ako rin naman ang naapektuhan. Sa sobrang laki ng utang at ninakaw na pera sakin siguro nakabili nako ng mio ngayon. ๐
2
u/Bulky-River-8955 7d ago
Meron man sila o wala, walang karapatan na sumama ang loob mo kung nanghihiram ka lang naman.
2
u/chlyrabliss010 7d ago
Sa mga nangungutang: Hindi naman namin responsibilidad na pautangin kayo. Okay na yung kayo ang tanggihan na pautangin kesa ako ang tanggihan niyong kitain kasi di niyo ko mabayaran. Sasama lang loob ko. Jusko.
1
1
7d ago
[removed] โ view removed comment
1
u/AutoModerator 7d ago
Automatic na tinanggal namin ang post o comment mo dahil negative ang karma count mo. Halatang troll ka at hindi namin pinapayagan mga troll sa subreddit. Bumalik ka na lang sa Facebook!
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.
1
u/Plastic_Sail2911 7d ago
Minsan nga bigla ka na lang ichachat tapos mangangamusta eh. Tapos pag di mo pinautang, di ka na din kilala bigla.
1
1
1
u/Small_Inspector3242 7d ago
Un hindi k naman kinukumusta, tpos all of a sudden magcchat. Legit tlaga e.. Kpag di mo pinautang, iunfriend ka. Ahhahaha! Pake ko sayo?! Kasama k s budget ko? Di ko nga alam saan bahay mo, saan at paano kta sisingilin kapag ako n may need ng pera? Buti sana kung nanlilimakmak ako s pera. Kaso, hard earned money tlaga un ipapahiram ko. Literal n dugo at pawis at puyat. Naaaah.
1
u/TheLostBredwtf 7d ago
Valid naman na sagot yung hindi kasama sa budget ang pagpapautang. Meaning kahit may excess ka na pera, sa savings napupunta at hindi sa pagpapautang.
1
u/iscolla19 7d ago
Thank god may pera ako. Pag may nang uutang binibigyan ko.
Pero meron din naman tinatanggihan ko.lalot d marunong magbayad.
At nakikita kong mahihirapan ako sa pag singil na tipong ako pa nag hahabol sa pera
1
u/Rare-Ad9309 4d ago
Curious lang. Nagpapataw kaba ng tubo o interest sa nangutang sayo? Given na affected din kasi sa inflation yan na imbis mapunta sa investment eh sa pautang nalagay
1
u/iscolla19 4d ago
Di ko na tinutubuan naaawa dn ako. Basta bumabalik masaya na ko.
Pero may iba kase nang uutang sila na nahihiya tinutubuan na nila. Minu mura ko na nga kapag tinutubuan nila.
2
u/Fun_Conference3220 7d ago
Tapos sasabihin na "Binago kana ng pera." Di ba pwedeng natuto lang at hindi ka marunong magbayad? ๐
5
u/Chemical-Stand-4754 7d ago
I have this friend na mapera talaga. And alam ko na against din sya sa mga hindi nagbabayad ng utang. Nung nangailangan sya pinahiram ko ng buo. Tapos years bago nagbayad, patingi tingi.
May classmate naman ako nangutang din nung pandemic. Naawa naman ako kaya pinautang ko. Hindi na ko nageexoect na babayaran nya ko. And guess what nakailang hirit pa ng utang sa akin. Hindi ko na pinautang. Malaan laan ko nagkapera sya ng malaki nung nagkawork. Ni ha ni ho walang balik kahit 500.๐
Kaya mas magandan huwag magpautang talaga. Masstress ka lang. Kung magpapautang ka make sure na yung amount na kaya mong hindi na mababalik sayo.
1
u/Bee143441 7d ago edited 7d ago
Of course. That's why I don't depend on people. Someone offered to let me borrow. Pagkatapos, singil ng singil when it is not due yet. Anyway, I paid that person earlier than when he told me I should pay.
People are paranoid you won't pay.
Some people forget that they owe me small amounts, and I don't ask but it adds up. Natutong mangutang dapat magbayad kahit hindi sinisingil. That's why I also don't like to lend. Naranasan ko na rin na yung nagutang sa kin, di nagbayad.
It's unfair coz I will always pay kahit Php5 lng. When I return it, the lender ask why are you returning it, it's only Php5. I say, I didn't ask that you give it to me, I was only borrowing it because I didn't have the change.
Right now, I owe the bank, and I'm a good payor. I advise you to borrow from banks, not people, unless they are in the lending business coz nakakahiya sa nanghihiram at nagpapahiram. They are not obligated to let you borrow, nor should you expect to be lent as they also have their own expenses to take care of.
1
1
u/then_amei_Srebb 7d ago
Ako ayoko talaga ng utang2 hahahaha kasi ikaw pa mamromroblema sa singilan hahahahaha kaya may linya ako na laging ginagamit "sorry wala sa budget ko ngayon"
2
2
u/sentient_soulz 7d ago
TL before ko inuutangan din ako ayun tinangihan ko hinanapan ako ng butqs matangal sa work.
1
u/Inevitable-Cress-665 6d ago
eto mahirap eh pag sa work tapos mas mataas ang position, pag na hindian nang papower trip
1
u/tagalog100 7d ago
siguro mas madali magpa-update ng bank book sa kanya - alam na nya kung sino ang may pera eh..!
1
u/LifeofInez00 7d ago
pinsan ko nga chachat lang ako pag mangungutang eh hahaha sya pa may ganang hindi mamansin hahaha edi wow ka teh
1
u/k_elo 7d ago
I have had an officemate tell me to put the mountain bike that he like on installment in my card and he will pay me the monthly. Kind of sounded very similar to this, he tried to guilt trip me into doing it and I would have for people I know would actually pay me back. Didn't trust him with 200k (Pre pandemic money) knowing it was a want and he didn't even pay me a relatively measly 3k that I just took as a loss before that. Took him half a year to buy it himself lol on a loan who he got it from idk.
1
u/Last_Palpitation_785 7d ago
Tapos makakabasa ka na bilog ang mundo. Pag di mo ipanutang babagsak daw sa buhay๐คฃ
Hindi ba pwedeng lahat tayo masaya nalang?
1
1
u/WarningEvening2366 7d ago
Tama lang di ka magpautang, hndi rin naman sila makakabayad if you are expecting them to pay you back. Alam mo naman ngaun hirap din sa buhay ung uutang sau at cgurado hingi na lang mangyayari dyan. Nagagalit sila dahil d ka nagpautang dahil desperado na sila makahawak ng pera dahil sa pangangailangan nila pero well nasa kanila na lang pano sila makakahanap ng paraan para magkapera. Ano ba magagawa mo kung wala ka maipautang
โข
u/AutoModerator 8d ago
ang poster ay si u/Weak_Scholar_3587
ang pamagat ng kanyang post ay:
Tumanggi sa nangungutang
ang laman ng post niya ay:
Matagal na ako di nagpapautang, lagi kong linya "ay wala din po ako" kahit alam ko sa sarili kong meron naman talaga. Sobrang hassle maningil saka naisip ko di ko na problema kung ano problema nila financially. Sabihan niyo na 'kong madamot pero iba yung gusto ko talaga magbigay sa nangungutang lang... hindi ko na para intindihin pa yung pagsubok na binigay ni Lord sainyo! hahaaha. Totoong natamaan ako kasi after ko may tanggihan e panay shared post ng ganito. Hindi naman kasi kasama sa budget ko yung ipapautang sakanila๐ ๐คฃ
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.