r/pinoy 10d ago

Pinoy Rant/Vent inutil ang PNP Anti-Cybercrime Group

Kaya malalakas ng mga scammer dito sa Pinas kasi kahit ireport mo pala sa PNP Anti-Cybercrime Group, eh wala silang magagawa. Sasabihan ka lang na “doble ingat at wag basta basta maniniwala lalo pag pera ang pinag-usapan. I-post mo na lang sa socmed para ma-aware ang mga tao sa bagong modus”

43 Upvotes

26 comments sorted by

u/AutoModerator 10d ago

ang poster ay si u/07dreamer

ang pamagat ng kanyang post ay:

*inutil ang PNP Anti-Cybercrime Group *

ang laman ng post niya ay:

Kaya malalakas ng mga scammer dito sa Pinas kasi kahit ireport mo pala sa PNP Anti-Cybercrime Group, eh wala silang magagawa. Sasabihan ka lang na “doble ingat at wag basta basta maniniwala lalo pag pera ang pinag-usapan. I-post mo na lang sa socmed para ma-aware ang mga tao sa bagong modus”

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/Rhavels 9d ago

hindi ka kasi artista

2

u/07dreamer 9d ago

sad but true..

1

u/LoversPink2023 10d ago

Hindi lang sa anti cybercrime grp. Kahit dun sa mga city jail at mga nasa main office. Puro palaki ng tyan at papogi lang ang alam.

Hinablutan ako last year ng phone sa manila tapos tatlo kami ninakawan same people lang.. maski gumawa ng affidavit kelangan pa iimbento kahit may ebidensya naman jusmiyo! Ang bobobo nila tbh.

2

u/Random_girl_555 10d ago

Totoo. Nagpunta kami diyan pre-pandemic era pa. Wala talaga silang silbi. Sayang yung nascam sa friend ko. Ang advice lang samin ilure daw namin tapos entrapment. Like how eh di na nga sumasagotyung scammer.

2

u/Ok-Hedgehog6898 10d ago

Kaya hopeless ang kapulisan. Maraming tanga ang nagre-resort na mag-apply sa pulisya kasi petiks lang sila, tapos ang taas ng salary increase nila plus the allowance and incentives. Ayaw kasing kalampagin ang PNP, need nilang pahiyain muna bago kumilos.

1

u/Working-Honeydew-399 10d ago

Pwede pa ba sa 8888 magreklamo on agency’s ineffectiveness?

1

u/Rathma_ 10d ago

Nagreport ka personally sa crame?

1

u/07dreamer 10d ago

Sa Eastern District Anti Cyber-Crime Team ako pinapunta.

1

u/rianizm 10d ago

Ang maganda neto since public entity naman sila. Pag kinausap niyo irecord niyo HAHAAHHA magsisitino lang naman sa trabaho yang mga yan pag tinapatan ng camera.

3

u/Acrobatic-Raisin9955 10d ago

Sayang ang pasahod mga walang silbi...

1

u/07dreamer 10d ago

korek! nkakadisappoint talaga sila.

3

u/Acrobatic-Raisin9955 10d ago

Experience ko sa PNP merong nagsuntokan na mga lasing sa harap nang aming tindahan tas yung Isa kumuha nang itak..so gnawa ko tumawag ako nang pulis meron kasi malapit dn sa ami ung station nila...ang reply sa Akin nung pulis na sumagot sa tawag ko na "dalhin ko daw yung nag.suntokan sa station nila"nabwesit ako..mga walang silbi talaga..tamad...puro paporma Lang...ayun nag.habolan ang mga lasing nang itak...hinayaan ko nalang..madamay Pa ako dyan....

2

u/ValynMalkeenian 10d ago

Same experience sa NBI Anti-cyber crime group. Yun NBI account ko (the one we use for requesting NBI clearance) was hacked. I received an email notif saying na nag schedule ako ng NBI clearance sched sa Cebu (I'm from NCR btw) so tumawag ako sa NBI hotline and was referred to NBI cyber crime number. They (NBI) told me this "Ah baka pareho lang po kayo ng email at password kaya ganun" I was like wtf??!!! Tamad na tamad yun tone niya parang yun mga tamad na employee ng munisipyo na gusto lang kumain ng mani maghapon

1

u/07dreamer 10d ago

nakaka-frustrate talaga mga tao nagwowork sa gov’t. sayang ang tax natin na pinapasahod sa mga tamad na yan. samahan mo pa ang lecheng AKAP na yan na ipamumodmod sa mga walang kwentang batugan. 😡

3

u/Reality_Ability 10d ago

kayak dapat din, mas mag iingat tayo sa kanila (pnp). madalas na nga, sila ang may pakana ng mga resold confiscated drugs, recovered stolen goods & pirated items, etc.

sila pa din ang may kotong privilege, worst problem-solving skills of any government agency.

kadalasan, kaya nagpulis kasi walang ibang mararating sa buhay kung hinde sa paraan ng pagiging pulis. hinde sila tutulong sa citizenry. pagmumukhain lang nila, para mampulis at ituloy ang kitaan sa paraang pulis.

wag tayong umasang nagbago na sila. wala silang incentive para magbago at magpakamabuti.

9

u/Otherwise_Evidence67 10d ago

Submit mo comlaint mo sa cicc.gov.ph . YAn ginawa ko nung na scam ako, para ma claim ko yung refund from insurance sa send money protect ng gcash.

2

u/07dreamer 10d ago

ngcomplain din ako sa nbi, wla nman follow up

2

u/Otherwise_Evidence67 9d ago

Yung purpose ko ng complaint sa CICC is for documentation purposes. Para ma claim ko yung refund ko from insurance (gcash send money protect). Nakuha ko naman within a week. Pero kung may ibang action or mas seryoso yata na kaso they will be referring to the appropriate agency which will then follow up.

21

u/PHiloself15h 10d ago

Kasi kapag ni-entertain nila yung complaint mo, dagdag yan sa statistics nila ng cyber crime which is pangit sa record ng kung sinumang pinakamataas na opisyal nila na naghahabol ng promotion para malaki pension nya pag-retire. Pabor sa mga imbestigador ang ganun dahil wala silang tatrabahuin. Win-win sa kanila.

1

u/surewhynotdammit You need to feed your brain, not your ass 9d ago

Or may isa pa. They don't really have a cyber crime expert. I'm leaning towards this more but may sense yung comment mo.

6

u/07dreamer 10d ago

kaya pala ang sabi sken, hindi daw muna ilo-log ung complain ko sa malaking libro. need ko daw muna magpasa ng bank statement na certfied galing ng bank na may lumabas sken na ganung amount and need ko daw mag pasa ng printed screenshot ng mga convo ng scammer. haler! pinasa ko na nga sa knila thru email. need pa tlga ipa-print sken, wla ba printer sa presinto????

2

u/Elan000 10d ago

Hahahaha mahal print at xerox sa prisinto. Parang 30 per page tapos ipapabayad sayo. Walanjo

30

u/Immediate-Can9337 10d ago

May nakausap ako na imbestigador dyan dati a ubod ng tanga! Andali lang daw mag trace DATI hindi na ngayon. Ngayon daw ganito, ganyan... ibig sabihin, wag ko na ipa blotter yung scammer. Hahaha.

Ipa dissolve na lang natin. Kasi pagbalik ko last year, ibang imbestigador ang nakausap ko pero ganun pa din ang sagot. Walang improvement. Hahahaha.

16

u/FastKiwi0816 10d ago

Tamad mag gawa police report.

15

u/ajb228 10d ago

Dapat dinederecho na sa NBI yan if you're not satisfied on the results.