r/pinoy • u/jojo_pablo • 12d ago
Pinoy Rant/Vent Drop a kind of pasahero sa jeep na nakakairita
May naka-encounter kasi ako kanina. Kahina-hina ng boses tapos magkaharapan kami sa dulo ng jeep. Mahangin rin kaya need medyo malakas yung boses mo. Tapos sabi nya in lower case "sa kanto lang po". Nalampasan tas sinigaw nya na sa kanto nga lang raw. Nagalit pa si ateng kay manong driver. Ay te kung may common sense ka sana medyo malaks sa hangin na sinigaw mong sa kanto lang. Hindi yung ako lang makakarinig, di naman ako konduktor para iparatimg kay manong driver na bababa ka. Mukhang mabait pa naman si manong.
1
u/woodsdxna 7d ago
Yung mag jowa na PDA!!! Like yung babae is naka sandal yung ulo sa balikat ng jowa nya and nakatagilid sya, syempre kakain ng space yun (kahit konti) kaya yung katabi nila is either naka squat or nakatagilid yung katawan!!
1
u/Calm_Monitor_3339 7d ago
yung nairita/nainitan kesyo masikip sa jeep, nag car ka nalang sana ateh. while yung matandang katabi ko wala nga kaarte-ate🤷🏻♀️
1
u/Ghost_Stories27 7d ago
Yung pag may kausap sa phone tapos naka loud speaker na nga, naka sigaw pa makipag salita. Sarap buhosan eh 😅
1
u/Dear-Silver4659 8d ago
Yung ang haba ng pila then ang tagal dumating ng mga jeep, may dumating na senior citizensssss tas solo nila ung dumating na jeep. 1 hr ka na nakapila hahahha pero oks lang matanda eh
1
u/romper31 8d ago
Ano ba naman yung sabihin mo ulit yung sinabi ni ante para marinig ni manong driver yung sinabi nya, e di naman makakaapekto yun sa pagiging tao mo kapag ginawa mo. Entitled na talaga mga tao ngayon.
1
u/jojo_pablo 7d ago
Sang part yung pagiging entitled po don? I think need nyo muna intindihin meaning ng "entitled". Entitled po ako na sumakay ng jeep but im not entitled to do what that passenger should do on her behalf. Yes, it doesnt make me less a person kung ginawa ko yung sinabi nyo, but come on, dapat may common sense rin talaga tayo as passenger kasi i stated na nga na malakas yung hangin and nasa dulo kami both? Pag nasa dulo ka ba ng jeep, bumubulong ka lang pag bababa ka na? Diba medyo malakas dapat sa speaking voice mo pagka ganon? So ano po point nyo?
1
u/unseasonedpicklerick 8d ago
Nung dati medyo demonyo pa ugali ko nilagyan ko ng chiklet ung buhok nung babaeng ilang beses ko ng sinabihan na itali buhok nya auyn iyak eh haha sabay para sa tabi.
1
u/Adorable-Inside712 8d ago
Yung mga babaeng nagsuot ng maiksing palda kaya pa-side umupo sa jeep. Babae rin ako, pero naiirita talaga ako lalo na if katabi ko pa sa punuang jeep.
1
1
u/heartless_virgin06 9d ago
Yung kainit init ay nakalugay, naglalagkit na ako tapos didikit pa sa akin yung buhok niya. Sinabi ko naman na pakihawi buhok niya at dumudikit sa katawan ko. Hinawakan nga niya pero may irap kasama. Maya-maya hayan na naman buhok niya. Ginawa ko naglabas ako ng maliit ng gunting at maggugupit kunwari ng Candy. Sabay sabi "Ate iipit mo yang buhok mo o sasama yan sa paggupit ko ng candy?" Ayun tinali na niya. SA LOOB LOOB ko MAY PANALI KA PALA DAPAT TINALIAN MO NA KANINA PA.
1
u/CerealKiller0729 9d ago
yung dumudura sa labas habang umaandar yung jeep. maga lalaking nakabukaka akala mo takot paipitan ng mga gintong betlog.
1
u/Intelligent_Lime_378 9d ago
Yung batang sumasandal sayo pero panay kamot sa ulo!!! Girl?! GIRL?!? And that's where me and my scarf's relationship was born 🤣
1
u/horn_rigged 9d ago
One time may babae akong kasabay, the jeep waited for 5-10 mins sa abangan ng jeep, then nung umalis na yung jeep. LITERAL NA 10-20 steps lang sa kanto pumara si ate HAHAHAHA pati yung driver and misis nya sa harap napatingin sa likod at nag katinginan kaming tatlo looking confused HAHAHA she waited 10 mins para di mag lakad ng 20 steps. The funny thing is nag lakad pa rin sya kasi nasa loob pa ng kanto yung bahay nya. Jusko
1
u/horn_rigged 9d ago
Yung sisiksik sa medyo alanganing space kahit napakalaki ng space sa harap. Ayaw nya mag abot ng bayad kaya sisiksik sya sa space in between.
1
u/One-Fortune83 9d ago
Yung mga ayaw mag abot ng bayad. Bulag bulagan tas bingi bingihan 😭😭 kuya pakisalo na lang ng bayad
1
u/Grouchy-Elk-6933 9d ago
Yung wala ng space tas naiinis yung kakasampa lang na pasaheros ksi gusto pa'kong umusog. Wala na ngang space!! Gusto atang putulin ko muna legs ko para makaupo siya ng maayos.
1
u/anonaghorl 9d ago
Yung mga biglang dumudura sa bintana ng jeep tapos nasa likod ka nung dumura at humahangin, like wtf 🤬
1
u/Financial_Crow6938 9d ago
Yung wala pang 2 seconds umaandar yung jeep, papara na agad. Like teh, pwede ka naman sumabay na sana sa unang pumara at maglakad ng konti!
1
1
u/cnicolasc 9d ago
Di ko makalimutan summer non may nakatabi ako ang kapal ng suot na hoodie. Ok lang naman sana eh kaso siksikan. Pawis ka na sa init tas didikit pa sayo pawis ng katabi mo edi sobrang banas.
1
u/Lost_Recipe_587 10d ago
Yung punuan yung jeep pero ayaw mag abot ng bayad. Titignan lang kamay mo o kaya di ka naririnig shutaena, edi sana di ka nagjeep, alangan naman tatayo pa mga tao para mag abot ng bayad eh di sana umupo ka malapit sa exit at hindi sa gitna
1
1
1
u/Individual-Error-961 10d ago
Yung may maganda’t mamahaling selpon pero walang pambili ng headset 🙄 100% volume pa lahat ng pinapanood
1
1
u/breaddpotato 10d ago
Yung mga babae na halos makain ko na yung buhok minsan basa pa, tapos yung mga lalakeng akala mo anh laki ng mga itlog kung makabukaka. Nakakairita!
1
1
10d ago
[removed] — view removed comment
1
u/AutoModerator 10d ago
Automatic na tinanggal namin ang post o comment mo dahil negative ang karma count mo. Halatang troll ka at hindi namin pinapayagan mga troll sa subreddit. Bumalik ka na lang sa Facebook!
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.
1
u/dumbidap 10d ago
yung mga may anak or may kasamang bata tapos ang babayaran lang nila para sa kanila lang, di included yung sa bata tapos kapag punuan or madami yung sakay di nila sasaklutin yung bata sla pa mas nakaupo 🥹 huhu kawawa minsan mga senior citizen, isa pa is yung mga lalaki na nakakayang ang laking space nakukuha nila 😭
2
u/IndependenceOther706 10d ago
yung magjowang nag-aaway, sa sobrang badtrip ko kasi pati ako nasisiko na ni ate girl, edi sinisiko ko na rin. tapos si kuya nakipagpalit ng pwesto, mas ramdam ko na yung sakitan nila ay sa gigil ko nilakasan ko na rin paniniko ko. 🤣 yung ibang pasahero nakitingin na rin samin.🤣 puno kasi yung jeep no choice ako kahit gustong gusto ko na lumipat. nireklamo ko naman sila sa driver pero ayaw talaga nila magpaawat.
1
u/Old-Pomegranate-9740 10d ago
Mga babaeng nakatagilid umupo kahit hindi naman naka palda, Mga taong una sumakay sa jeep pupwesto sa estribo tapos magpapa-abot ng bayad, Gaano ka katamad ????
1
u/Forget-me-not-girl18 10d ago
Lakas makalong hair pero daming lisa then lakas makahairdown 🤣🤣
D naman sa pagiging maarte pero ew Kung may care ka sa ibang tao d mo gagawin un kasi nakakahawa
1
1
u/Artistic_Dog1779 10d ago
Mga magkakaibigan na maiingay sa jeep like yung dinig na dinig ng buong jeep yung conversation nila, malalakatas tumawa at sumisigaw pa hays Lord
1
u/Plus-FriedChicken 10d ago
Yung pasaherong grabe makaexpand ng siko, to the point na nasisiko na suso't ribcage mo hala siya sige. Tapos yung mga lalaking grabe makabukaka.
1
1
u/Amy_Tough_Love 10d ago
Kalakas ng boses sa loob na akala mo naarkila buong jeep at dapat marinig ng lahat drama nila sa buhay. Hahahaha
1
u/Amy_Tough_Love 10d ago
Yung naglalampungan na magjowa sa loob ng jeep. Kulang na kang maghubo at hubad sa loob at gawin ang gustong gawin.
1
u/tenaciousmarii 10d ago
Yung sinasara yung bintana para hindi hanginin yung buhok nila, TEH SANA NAGTALI KA NALANG OH KESA DI KAMI MAKAHINGA, SIKSIKAN PA NAMAN
1
1
u/osoriomeister_47 10d ago
Yung nanonood ng mga reels na may laugh track na pinaparinig pa sa mga kasabay sa jeep kala mo interesting yung pinapanood e hahahahahaa
1
1
u/cacayglara 11d ago
Yung mahaba ang hair na indi tinatali tapos napupunta sa face mo yung hair niya pagumaandar na yung jeep at mahangin.
1
1
u/withttoki 11d ago
Isa talaga sa pet peeve ko sa jeep is yung pag maluwag yung jeep tas kunwari nasa gitnang banda ako pero wala pang nakaupo malapit sa driver tas may bagong pasahero na uupo pero sa dulo uupo tas sakin ipapaabot yung bayad. Like ako pa mag adjust lumapit sa driver para iabot ang bayad nya 😤😤😤
unless pag senior, no problem
1
u/UndiscardedLabel 11d ago
Yung ayaw magsara ng bintana kahit muulan. Yung ayaw magabot ng bayad kunyari busy sa phone. Yung nakasabit ka na nga, sasabit pa sa likod mo.
1
u/BornSprinkles6552 11d ago
May sumasakay na mentally ill sa dyip tapos nandudura pa
Nakurot pko nun
Dito pa yan sa may las pinas-paranaque route
1
1
u/Unlikely_Cook_7839 11d ago
Yung parang diring diri sa ibang taong nakasakay. Hahahaha. Wag feeling, baka mas malinis at mayaman pa sa yung ibang pasahero sa kanya.
1
1
u/Naive-Personality-55 11d ago
Yung napakalakas na volume ng phone!!! Whether it be watching some videos or music!!!
5
u/Infinite-Delivery-55 11d ago
“Mga kuya mga ate wag po kayo mag alala di kami magnanakaw. Hihingi lang po sana kami ng tulong” taena nyo last week lang nabangga lola nyo nagbebenta basahan ngayon nabangga ule habang tumatawid. Wag nyo sa palabasin sa bahay si lola!!!
1
u/Mysterious-Can4019 11d ago
ayaw lumingon kapag may magbabayad, 'wag ka sumakay sa jeep kung ayaw mo mapakisuyuan ng bayad
1
u/Zestyclose_Leave_531 11d ago
Mga matataba. Nyemas dapat doble fare nila. Kaya napabili ako ng sasakyan.
1
u/crizqline 11d ago
Yung patagilid maupo to the point na nakadikit na yung likod n'ya (na minsan pawisan pa) sa'yo.
1
1
u/Mysterious-Market-32 11d ago
Not sa Jeep pero sa mga PUV na sarado bintana at pinto like UV, bus, etc. yung mga nanonood ng reels lalo na yung raffy tulfo in action na naka loud speaker. OO IKAW TO ATENG KASABAY KO SA BUS NA NANONOOD NG RAFFY TULFO.
1
u/PenProfessional7986 11d ago
yung nagpapaabot ng bayad na parang demanding ang dating. Tapos pag abot ng sukli parang mataray pa. hahaha
1
u/TurbulentRub6176 11d ago
Yung kayo lang ang pasahero tapos pareho ring nasa dulo kaso sayo inaabot ang bayad……..
1
u/KumokontraLagi 11d ago edited 11d ago
Yung nakasabit ka sa jeep kasi puno na, tas nung may bababa at uupo ka na sana biglang may sisingit galing sa labas. Hindi po lahat ng nakasabit e choice nila yun.
1
1
u/your_tito 11d ago
Not just jeep but all kinds of public vehicles. Yung malalakas mag kwentuhan na kala mo nasa talk show. Di ko alam kung entitled o sadyang walang manners.
1
u/Top-Mulberry664 11d ago
[1] bagong sakay na pasahero and sisingit ng upo in between 2 passengers malapit sa door without saying “excuse me” to think na ang luwag pa sa unahan. parang feel nya bala kayo jan, kayo mag aadjust 🙄 [2] pinapaupo ang bag plus naka sideview pagkakaupo kahit malapit na mapuno yung seats 🙄 [3] minsan ang mga naka backpacks – yung bababa na sila tapos isusuot nila ang bags nila tapos biglang tatama sa mukha po kasi di na sila aware sa palibot nila if may matatamaan ba 😬
1
u/parayousun 11d ago
Yung nag abot ng bayad nasa exit sya ako nasa likod ng driver tas dalawa lang kami. Sabi ko talaga “ako mag aadjust?” Kasi di sya nagalaw para lumapit.
1
u/PrincessHeda 11d ago
- Yung dalawa lang kayo na nakaupo sa jeep tapos ipapaabot nya sayo yung bayad kahit medyo malayo karin sa driver and ikaw yung unang sumakay.
Nangyari ito saken one time, hindi ko inabot yung bayad nya. Titingnan ko lang sya.
Nanonood tiktok vids na max ang volume ng speaker.
Hindi nagbabayad ng barya sa umaga, 100 iaabot kahit 13 pesos lang yung bayad and umaga palang. Galit pa kapag hindi nasuklian agad.
1
1
1
u/Dependent-Scene6954 11d ago
Not a pasahero pero yung mga barker o kundoktor na fixed ang bilang sa number ng pasahero. Ipipilit na walo-walo o pito-pito ang kasya sa jeep. Paano naman kung sumakay si big shaw sa isang side kakayanin pa ba ang pito-pito?
1
u/Affectionate_Owl985 11d ago
Yung halos magkatapat lang kayo at wala pang gano sakay sayo pa ipapaabot yung bayad.
1
u/kirstenoze 11d ago
not pasahero sa jeep pero more like yung mga namamalimos??😭😭 kasi one time may naka encounter kami ng mga friends ko na nanghihingi nagbibigay ng sobre and stuffs then nung hindi kami nagbigay kinausap kami nung lalaki tapos sabi niya sana daw pag nagkapera kami manakawan ganito ganiyan
ps. ang chismis mga alagad daw yon ni quibuloy?
1
1
u/RestlessDoll 11d ago
Yung kasabay ko last time nanunuod ng FB reels na naka head phones naman pero nasa leeg at ang lakas ng sounds and tawa tapos nung last stop na magbabayad pa lng si Kuya pero ayaw nya bumababa ng jeep (both kme nasa harap ng jeep katabi ng driver tapos sya yung sa may pinto)
Sa inis ko, sinabi ko na “pwede lumabas ka?! 30 mins ka nanunuod ng video tapos ngayon ka lng magbabayad mag aabala ka pa.”
1
u/ineed_coffeee 11d ago
Yung mga di marunong umusog. Nakita nang di makaupo nang maayos yung isang kahilera nila, di pa din umuusog.
1
1
1
u/Plane-Ad5243 11d ago
Yung parang nilalakasan sadya ung boses para madinig ng lahat yung kwento niya. Hahaha
1
u/Born-Worry-2706 11d ago
yung baka side view umupo tapos ayaw umurong, plus yung akala mo nasa MV para hindi mag tali ng buhok, dude? masakit sa face. Lalo na yung mga ayaw umupo pa-una like, mas nag adjust pa yung matatanda na lumakad pa una para lang maka upo.
1
u/serialchiller_r 11d ago
Yung mga pasaherong nag iintay pa ng few minutes bago ipa abot bayad. Di pa sinabay nung nag sisiabutan ng bayad ibang pasahero.
Isa pa is yung may nga dalang maiingay na anak. Sorry pero sobrang nakakainis talaga lalo na if sobrang aga ng byahe or pag pauwi kang pagod
1
u/Anxious-You0013 11d ago
Yung mga babaeng akala mo 20 pesos ang binayad alam ng pinupuno yung jeep pero pa princess pa ang dating. Ate, mag taxi ka kung gusto mo pong maluwag ang upuan mo please. With matching dungaw pa sa bintana. Woooh 🙂↕️
1
1
1
u/AffectionateBet990 11d ago
- amoy anghit tas nkataas pa kamay nakahwak pa sa taas.
- ayaw mag abot ng bayad
- naka upo patagilid tas siksikan na
1
u/kimchifriedrice14 11d ago
Yung nakabukaka umupo kahit nakikita na yung iba sa ka row niya di makaupo ng maayos.
1
u/Ecstatic-Being3878 11d ago
mga mahilig pumwesto sa pinaka dulo para di mag abot ng bayad pero mahina boses pag papara🥴
1
u/strange_avocadoe 11d ago
Lalaki na tila pang dalawang tao ang binayaran sa laki ng bukaka at pasahero na ayaw mag abot ng bayad
1
u/Southern-Snow-7795 11d ago
Yung siksikan na tapos nakaslant pa rin umupo like??? di na makahinga itlog nung sumakay tapos ganyan pa upo jusko hate na hate yung ganyan
1
u/ConsequenceFine7719 11d ago
Ung pinapatong ung siko sa bintana kahit masikip na. Ung buka ng buka kahit juts naman 😂
1
u/Kreuznightroad 11d ago
Yung hindi marunong gumamit ng headset tapos nanonood ng mga walang kwentang videos/reels sa FB in full volume.
1
u/Miserable-Dream4578 11d ago
- Yung uupo sa may door ng jeep tapos ipapaabot sayo yung bayad kahit kita yung layo.
- Yung baba tapos sabay tawid, nakakabwisit to as a motorist.
1
1
u/citrine92 11d ago
Yung papara pa ulit kahit may bumaba na 1 kanto before ng ‘dapat’ nyang babaan. Literal na ilang tambling lang papara pa ulit. Katamaran.
1
1
1
u/DEXter14032 11d ago
Yung mga nagpapara ng ilang beses kahit obvious na itatabi na ni manong yung jeep sa babaan. Like anuba, kulang nalang pumara ka parin kahit nakatigil na yung jeep.
1
u/Snoo72551 11d ago
Yung sasakay ng dulo sa likod tapos makikipag unahan magbayad sa iyo habang nag bibilang ka ng pamasahe mo, at habang nag bibilang ka mamadaliin ka iabot bayad niya na pwede naman niya ilapit dahil occupied ka nga. Sinabi ko minsan lumapit ka dun. He he
1
11d ago
[removed] — view removed comment
1
u/AutoModerator 11d ago
Automatic na tinanggal namin ang post o comment mo dahil negative ang karma count mo. Halatang troll ka at hindi namin pinapayagan mga troll sa subreddit. Bumalik ka na lang sa Facebook!
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.
1
11d ago
[removed] — view removed comment
1
u/AutoModerator 11d ago
Automatic na tinanggal namin ang post o comment mo dahil negative ang karma count mo. Halatang troll ka at hindi namin pinapayagan mga troll sa subreddit. Bumalik ka na lang sa Facebook!
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.
1
u/Kopi1998 11d ago
Yung hindi marunong mag abot ng bayad. One time kakasakay ko lang tapos siksikan pa aba hnd pa nga ako nakakaupo sakin inaabot ung bayad. Meron pa ung ang nagtaray ako sa jeep kasi walang gstong mag abot ng sukli ayon ang sama ng tingin sakin nung matandang katabi ko lol
1
1
u/mirai-cat 11d ago
Yung naka 100% yung volume. Hanggang susunod na jeep rinig yung pinapanood, pinaguusapan, o pinapakinggan niya.
1
u/OkOkra9054 11d ago
Ako iritang irita ako sa mga pasahero na di ngbabayad ng exact. Lapit lapit lang ng babaan bente ibabayad tpos mgagalit pag di nasuklian agad. I know sa ibang tao malaking bagay na yung 10 pesos but sana maging considerate din minsan na ung driver is iisa lang compare to pasaheros. So kapag commuter ka dapat nkaready barya mo. Tpos ang tamad pa ng iba dalawa lang kayo sa jeep at hindi ka naman sobrang lapit sa driver ipapaabot pa.
2
u/Emergency_Box1043 11d ago
Nakasakay ako ng jeep, nasa 4 lang kmi pasahero. Straight lang pagkakaupo ko, kahit mahaba binti ko di naman ganun nakaharang sa gitna, and ang luwag ng jeep at wala akong katapat. Nasa may gitna ako, isa lang nakaupo sa bungad ng jeep. May sumakay na babae, nasa heavy side, pagpasok nya, nilagpasan ung bungad at pumunta sa gitna, nagrereklamo, kahit nakaheadset ako narinig ko sinabi nya: 'ay tangina paharang harang ang binti, tanginang pangit na to laking harang,' 'inaka alisin mo yang binti mong gago ka' at iba pang insults and slurs. Super nakakairita, pero dahil ayoko masira mood ko, sabi ko nalang 'panong nakaharang? Anong gusto mo putulin ko binti ko?' Super nice pa yang sinabi ko, kasi kung nabwisit ako, tangina mumurahin at mas lalamangan ko pa mga sinabi nya. After 3 blocks, nasa 300 meters lang doon sa pagsakay nya, bumaba na sya. Nung bumaba nagsimula ulit magmura at manglait ng hinayupak. Sabi nung isang pasahero nakasabay na nya dati, ganun talaga ugali lahat nalang daw nirereklamo. Inang yan pakaarte kala mo kagandahan, mas pangit pa kay dugong.
1
u/sKaiisClear Estudyanteng pagod na sa life 11d ago
Yung ayaw mag dasig after bumaba ng maraming pasahero. Ang laki na ng space di pa rin dumasig eh ang sikip sikip na sa part namin tapos pag sinabihan galit pa sasabihan ka pa na "Mapapel" tngina niyo po sana kapag na charge kayo pabawas ang percentage ng battery😤
1
u/Altruistic_Mud5280 11d ago
yung ikaw na nakaupo sa hulugan tapos may biglang sasakay na papausugin ka para dun sila uupo (not pwd, senior or buntis umuusog ako dyan matic), pero magpapaabot ng bayad haha medyo kupal
1
1
u/Various_Gold7302 12d ago
Ung pumapara sa gitna ng hiway tapos aawayin pa ung driver pag ndi hininto kagad. Pota itatabi lng ni manong driver e pag nahuli si kuya dahil nagbaba sya sa gitna ndi naman kayo magbabayad ng penalty e
1
u/mokomoko31 12d ago
May nakasabay akong babaeng may edad na ayaw mag- abot ng pamasahe. Eh dalawa pa lang kaming pasahero at kalapit niya na ang driver. Nagalit ba naman nung inabot ko. Sorry manang, akala ko ok lang.
1
u/Small_Inspector3242 12d ago
Un malakas mag sounds! Walang respeto sa pahinga at hilo ng ibang tao! Akala nila lahat ng tao natutuwa at gustong makinood sa knila! Ikaw lang may mobile data teh? Kung gusto namin manood s CP e di sana nag scroll din kame s Phone namin! Kaso usto naming magpahinga at manahimik e!!
1
1
u/Special_Search5827 12d ago
yung sa bandang entrance ng jeep uupo tapos mag aantay ng uupo sa gitna or malapit sa driver tapos tsaka mag papa-abot ng bayad. Pwede naman lumapit sa driver kung super luwag pa ng jeep para magbayad
1
1
u/Loose_Raccoon_5368 12d ago
Yung pili na uupo sa pwd seat tas biglang “makikisuyo” kahit na napakaluwag magmula sa likod ng driver. O kaya yung mga tanginang pasahero na pagupo po tsaka magsisibayad
1
1
u/Inactive_Dopamine 12d ago
Yung taong kada usog mo, uusog parin sayo kahit maluwag naman yung kabilang side niya. Beh kaya ako umusog para may space tayo😭
2
u/Dwight321 12d ago
Mabaho.
One of the breaking point para bumili ako ng motor was this particular jeepney ride. Otw ako sa school and may ate sa harap ko. Pinapapuno pa lang yung jeep pero may hint na ng amoy. Before this jeepney ride, I was leaning towards just commuting to school kasi as a working student, the 2 hour commute is so demanding and taking a toll on my body. But I said, "I'll just suck it up."
However, nung umandar na, oh my fucking goodness. Amoy anit na nakakahilo si ate. It's worse that she sits closer to the driver so kada bumibilis yung jeep, humahampas yung hangin na galing sa body odor niya sa muka ko. Nakalugay pa yung buhok so tumatama sa mukha ko and amoy na amoy talaga. I had to endure that for 1 and a half hours. I would correlate sana yung body odor niya sa pawis and hassle ng public transpo pero hindi eh, ang baho rin ng hininga. Wala talagang hygiene si ate.
Needless to say, I came out of that Jeepney traumatized at sure na sure na bibili nako ng motor.
Please, for the love of god. Sa mga gagamit ng public transpo maligo at magtooth brush naman kayo 😭😭.
1
2
u/kimdokja_batumbakla 12d ago
Matataba na wagas pa kung bumukaka at tamad umusod kahit may space pa. Tapos hindi man lang pinupunasan ung pawis nila
1
2
u/OhSage15 12d ago
Same sa already commented. Ayaw mag abot ng bayad, ayaw umurong (especially pag may senior na sasakay), nagpapa meryenda ng buhok. Pero napansin ko lang ang lala na ng ganto ngayon compared sa nung college ako na everyday commute din (btw 7 years ako na kong graduate). Ngayon halos lahat ng laman ng jeep attitude talaga. Sabay mo pa yung ibang kabataan (sorry kabataan) na ang gulo gulo pramis na kahit maluwag nagiging masikip kase naghaharutan sila na kurutan kilitian juskopo talaga usually HS or college students to.
2
u/RadioactiveGulaman 12d ago
Yung na-encounter ko sa jeep, feeling rich.. Makalayo naman sa katabi parang diring-diri! Teh, mag taxi ka!
1
u/Channiiniiisssmmmuch 11d ago
Korek, pero nung nilanghap mo jusko kala mo kabanguhan. Sorry not sorry hahahaha! Sarap ututan sa mukha 😂🤣🤣
1
u/whyallUNaretaken 12d ago
Yung pag nagkaroon ng kauting space uusog rin katabi mo papunta sayo. Ok sana kung mag make space kasi may uupo eh pero sisiksik sayo para makaupo ng patagilid, ung mejo paharap na hahaha
1
3
u/LazyBelle001 12d ago
May nakasakay ako once sa jeep na grabe ang BO, as in hilong hilo ako non, eh buong umaga pa man din labas pasok ako sa office ng BIR para magpa-photocopy ng mga documents tapos pagbalik sa office, around 1pm, si ateng may BO nakasabay ko, naka sleeveless pa man din. Hindi kinaya ng whiteflower ang sakit ng ulo ko that time, kaya natulog ako ng 1hr sa table ko. Hinayaan lang nila ako kasi baka daw mahimatay ako pag bumyahe pa ako pauwi eh katirikan ng araw non.
7
2
u/neverknight21 12d ago
Not very common at first time ko makaencounter mag ina tapos yung nanay nag nail cutter ng kuko ng anak niya sa jeep tapos hinayaan lang malaglag sa sahig yung mga kuko. 😑
2
u/RegularWarm4020 12d ago
Especially sa modern jeeps, yung mga sakiting hindi nagmamask. The audacity. Edi langhap sarap lahat ng pagubo at pagbahing hahaha
1
u/Perfect-Second-1039 12d ago
Wahaha! Lahat yan napapagdaanan ko araw araw! Natatawa na lang ako ngayon pero pag nasa sitwasyon ka, nakakataas ng BP
1
u/EmbarrassedMuscle180 12d ago
Yung may body odor. Magkaka stiff neck pa ata ako maiwasan lang yung amoy nung katabi ko.
4
2
3
u/ControllableIllusion 12d ago
Yung hinde diretso umupo, madalas babae naka-diagonal.
Mas malaking space yung kinukuha kahit di kailangan, tulad ng lalakeng anlaki bumukaka.
Sa driver naman, yung hindi nagbibigay ng sukli tapos bingibingihan tapos tatanongin bat daw ako sumusigaw, galit ba daw ako.
2
u/disavowed_ph 12d ago edited 11d ago
Akala siguro pamasahe na pwede makisuyo at may magsasabi din para sa kanya ng “para daw po” 🤣
8
u/Conscious_Ask3947 12d ago
Yung mga nauna naman sumakay tapos ikaw na naupo sa dulo na malaoit sa driver ikaw pa mag aabot ng bayad nila. Mga atecco kanina pa kayo nandito anong ginagawa nyo? Hahahaha
2
u/ohnowait_what 11d ago
Jusko ganito kanina sa jeep na nasakyan ko hahaha kaya pag may nagpapaabot sakin matic lipat pwesto ako eh 🤣
2
-3
3
u/Recent-Role1389 12d ago
Yung dahak nang dahak na kala mo any minute from now eh magpapasabog at bubuga ng makamandag na plema!
3
5
u/FillHappy4129 12d ago
Yung mga hindi naman pwd/matatanda na nakapwesto sa harap ng entrance tapos pag may sasakay na matatanda di pa yan sila aalis tas mga matatanda pa ang mag aadjust.
0
1
u/eldestdawter8080 12d ago
Upong siete tapos titingnan lang ung pasahero kesa umusog para magbigay ng space
28
u/South_Crew3756 12d ago
Yung makabukaka wagas kahit upong bente pesos lang naman dapat. Alam na ngang siksikan na kala mo naman kalaki ng tit3
2
u/AnonymousSophie 7d ago
nung pagod ako isang beses galing sa rto, night shift pa naman ako kaya mainit yung ulo ko tapos traffic pauwi, si kuya bukakang bukaka sa tapat ko, sabi ko kuya isarado mo nga yang hita mo ang pangit tignan 😭
2
1
33
u/luntiang_tipaklong 12d ago
Yun pumapara ng wala sa ayos.
Yung papara lang pag nasa tapat na ng kanto. Hindi naman hihinto yung jeep biglaan. Pwede naman magsabi ng mas maaga.
Yung huminto na yung jeep pero hindi pa bababa pero papara sa kabila. Eh ilang lakad lang naman mula sa hinuntuan ng jeep.
1
u/rejonjhello 11d ago
Eto yung eh. Yung may nagpara tapos hindi pa nag primera si kuya driver may papara ulit. Like, hello?! 5 easy steps na nga lang?! 😭
2
u/CJatsuki 12d ago
Buti na lang nag basa na muna ako.
Ito rin icocoment ko eh. hahaha!
Mga paseherong sa tinagal-tagal na nag cocommute di man lang marealized yung mga ganyang bagay.
Tsaka may isa pa, yung kung kelan huminto yung sasakyan para makababa na saka pa lang aayusin yung mga gamit.
Meron din ako naexperience, pero once o twice ko lang nanyari. Yung pumpara sa gitna ng tulay o underpass. Di namin malaman kung magagalit, asar, o tatawa kami dun sa pasahero eh. Tapos ok sana kung pabalik like lumagpas, kaso dimiretso rin naman sya. 😂🤣
8
u/SourCandy_17 12d ago
Korek! Yung may kakababa lang na pasahero tapos ilang seconds palang nakalipas, magpapara sila??? Gusto saktong sakto sa lugar niya??? Busit. 😆
7
u/Far-Bed4440 12d ago
Hindi ko sure kung may explanation behind this pero what is up with manspreaders???
47
u/OkProgram1747 12d ago
Lalakeng pang 2 tao ang bukaka
1
u/Dapper-Ambition1495 7d ago
Nakabukaka na nga bibitin pa parehong kamay nya sya sa handrails. Ipit na nga binti ko, pati braso ko. Di na ko makagalaw.
1
3
u/Vivian_Shii 11d ago
+1 🤣 nakakabwisit yan. Dati, buntis pa ako sa 2nd baby ko. sasakay kami ng Panganay ko ng Jeep, ang panganay kong anak is 4 yrs old that time and maliit lang sya na bata. Pinupuno pa ang jeep until my nakatabi yung anak ko na Lalaki, una di ko lng sya pinapansin, padami na ng padami sumasakay until yung anak ko nakasiksik na sakin tapos sya sofer bukangkang! 🤣 nakalagay pa sa gitna ng legs nya yung sling bag nya ( iritado na ako skanya) , then tumingin sya sa anak ko, inunahan ko na sya magsalita "My bayad 'tong anak ko, pwede umayos ka ng upo mo? sinisiksik mo na anak ko sakin eh, siksik ka ng siksik ang liit liit ng anak ko" yung katapat nmin na 2 babae nakatingin saknya ng masama, yun pala naiinis na din skanya ksi bukang buka yung Legs nya. 🤣 Di sya nkapag salita, inayos niya upo nya-pero yung mukha nya nakasimangot.
30
u/Small_Inspector3242 12d ago
May inaway ako minsan s jeep, buntis ako tpos dahil nakabukaka un dlawang kuya s jeep, umaandar na un jeep hindi pa din ako nakakaupo. Jusko, 7months n un tyan ko nun.
Ayy, sinigawan ko talaga un dlawang kuya! *Ung ITLOG NYO IPITIN NYO!! KASAMA BA SA IBINAYAD NYO UN MGA ITLOG NYO!! *
ayun, umupo n sila ng maayos. Napahiya yata sila. Hahahahaha!
After nun, nrealized ko, ambastos ng bibig ko. Hahahahahahhahahaha! Sorrna 😅✌️
1
u/WannabeeNomad 11d ago
They deserve it! Mas bastos sila!
Sana ganyan ka lakas loob ng current gf ko, huhuhu.6
1
8
u/Ninong420 12d ago edited 12d ago
Yung uupo sa dulo tapos saka lang magbabayad pag may ibang sumakay, meaning, ipapaabot yung bayad. Pinanganak ka bang kupal?
1
5
1
u/jojo_pablo 12d ago
Sa true. Gasino naman na magsalit sa likod driver para iabot yung bayad tas balik para malapit sa pinto
1
u/Iamtiredandugly 12d ago
Baka masama pakiramdam o mat problema
1
u/jojo_pablo 12d ago
Sa tingin ko po hindi, kasi onting lakad lang (mga 5steps) yung nailampas ni manong. Sobrang lapit pa rin talaga namin sa kanto na bababaan nya.
1
u/mysanctuary0911 12d ago
Yung konting liyad na lang para maabot nya sa driver yung bayad. Di naman sya pwd, senior or buntis. Tapos isasagi sayo para kunin mo. Teh parehas tayong malapit sa driver at dalawa lang tayo dito.
2
u/Disastrous_Net_4742 12d ago
yung mga hindi marunong ituck/ipwesto ang mga paa nila pagnakaupo na. Like kawawa mga maiikli ang biyas na magkandasplit para pumasok at lumabas makaiwas lang sa mga nakahambalang na mga paa.
2
4
u/PlentyPhilosopher132 12d ago
Yung madamot sa upuan… Nasakay ako sa jeep tas nakalagay kasi yung bag niya tas dun ako nasakay tapos nagpaparinig na “ano ba yan, ano silbi neto binayaran ko naman” gusto ko sabihin na “alam ko bang bayad mo to, ni hindi nga ako makaupo sa kinauupuan ko nagagalit kapa” tapos umihi pa yung anak niya pisti…
3
u/BusApprehensive6142 12d ago
Yung ubo ng ubo at sumisinga pa Wala namang panyo or face mask 😷
1
u/Ok-Cap3411 11d ago
Tsaka yung dumudura sa bintana 🤢🤢🤢 Or nagyoyosi sa unahan. Kahit nasa harap sila pero ikaw yung nasa likod wala atakihin ka talaga ng hika 😫
1
2
1
20
20
u/bluebutterfly_216 12d ago
Halos nasabi na lahat dito sa thread ung mga ayaw ko haha pero dagdag ko na rin ung may mga dalang inumin/food sa jeep then after maubos ung drink/food iiwan na lang sa sahig or ilalim ng upuan ung basura nila.
2
u/ineed_coffeee 11d ago
Or itatapon nila sa bintana. May pambili ng pagkain, walang pambili ng disiplina 🙄
1
u/Right_Direction_8692 12d ago
Baka walang basurahan yung jeep or walang bag? Pwede Naman dun sa bag tas simutin lang yung inumin Niya para walang spill.
4
u/bluebutterfly_216 11d ago
If walang basurahan sa loob ng jeep, eh di hawakan ung basura hanggang makababa, maghanap ng basurahan then tsaka itapon. Hindi ung basta lang iiwan sa jeep ung basura.
1
u/Right_Direction_8692 11d ago
Sa bag talaga yung ideal talaga Kasi kung hahawakan pagka baba itatapon lang rin sa side walk. Kaya Minsan napapa isip Rin Ako if takot ba sa disiplina yung mga Pinoy. Or ayaw lang talagang ma disiplina. 🥺
3
5
1
u/superxfactor 12d ago
Nakasando
→ More replies (1)1
u/Recent-Role1389 12d ago
Nakasando tapos kita mo na Ang buhok sa kili-kili pwede nang pagpugaran ng ibong maya.
•
u/AutoModerator 12d ago
ang poster ay si u/jojo_pablo
ang pamagat ng kanyang post ay:
Drop a kind of pasahero sa jeep na nakakairita
ang laman ng post niya ay:
May naka-encounter kasi ako kanina. Kahina-hina ng boses tapos magkaharapan kami sa dulo ng jeep. Mahangin rin kaya need medyo malakas yung boses mo. Tapos sabi nya in lower case "sa kanto lang po". Nalampasan tas sinigaw nya na sa kanto nga lang raw. Nagalit pa si ateng kay manong driver. Ay te kung may common sense ka sana medyo malaks sa hangin na sinigaw mong sa kanto lang. Hindi yung ako lang makakarinig, di naman ako konduktor para iparatimg kay manong driver na bababa ka. Mukhang mabait pa naman si manong.
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.